Netizen, humingi ng dispensa kay Kim Chiu: "Kala ko po si Tatay Digs pinatamaan mo"
- Humingi ng paumanhin ang netizen na si Wilson Mapa Taganile Jr. kay Kim Chiu matapos akusahan ang aktres na pinatamaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte
-Inamin ni Taganile na naudyukan lamang siya ng kanyang asawa na nagbiro na si Kim Chiu ay nagpaparinig kay Duterte
- Nilinaw ni Kim Chiu na bahagi lamang ng kanyang script sa 'It's Showtime' ang salitang "DESERVE" at ipinakita ang buong video ng kanyang spiel
- Tinanggap ni Kim Chiu ang paghingi ng paumanhin ni Taganile at hinikayat ang publiko na magpakalat ng kabutihan at good vibes
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Humingi ng paumanhin ang isang netizen na si Wilson Mapa Taganile Jr. kay Kim Chiu matapos akusahan ang aktres na pinatamaan umano nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang "DESERVE" statement sa noontime show na 'It's Showtime.'

Source: Instagram
Ayon kay Taganile, naudyukan lamang siya ng kanyang asawa na nagbiro na si Kim Chiu ay nagpaparinig kay Duterte. Kalaunan ay napagtanto niyang bahagi lamang ng script ng aktres ang salitang "DESERVE."
"Humihingi po ako ng sorry Ma'am Kim Chiu. Script lang pala 'yung 'DESERVE' na sinasabi mo. Sabi kasi ng asawa ko si Duterte pinaparingan mo. Inaasar lang pala ako ng asawa ko kaya na-post ko. Buti na lang po hindi galit si Ma'am Kim Chiu," ani Taganile.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang naglabas ng pahayag si Kim Chiu upang linawin na ang kanyang "DESERVE" statement ay bahagi lamang ng kanyang linya sa programa. Sa kanyang social media post, ipinakita rin ni Kim ang buong video ng kanyang spiel upang patunayan na wala itong kaugnayan sa anumang isyu.
"Hala nakakaloka! Ba't ako nasali diyan? Busy ako sa ibang bagay. Diyos ko, 'wag n'yo akong isali sa ganyan. Parang awa n'yo na. Ang gulo na po ng mundong ibabaw, 'wag na tayo dumagdag," saad ni Kim sa kanyang X (dating Twitter) post.
Sa huli, pinatawad naman ni Kim Chiu ang nasabing netizen at hinikayat ang lahat na mag-spread ng kindness at good vibes.
Si Kim Chiu ay isang kilalang aktres, singer, TV host, at modelo sa Pilipinas. Nagsimula siyang makilala sa industriya ng showbiz noong 2006 matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Teen Edition. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na teleserye ay ang My Binondo Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pag-arte, isa rin siyang regular host sa It's Showtime, kung saan mas lalong napamahal sa kanya ang mga manonood dahil sa kanyang positibong pananaw sa buhay at masayahing personalidad. Patuloy na hinahangaan si Kim Chiu hindi lamang sa kanyang talento kundi pati na rin sa kanyang sipag at dedikasyon sa kanyang career.
Nag-viral ang video ni Kim Chiu na nagpapa-Feng Shui sa isang store habang tinutukoy ang isang taong "Year of the Dragon". Nabunyag ng mga netizen na si Paulo Avelino ang tinutukoy ni Kim matapos niyang banggitin ang petsang "May 13" Tila iniisa-isa ni Kim ang lahat ng aspeto ng relasyon nila ni Paulo na nagdulot ng kilig sa fans ng tambalang KimPau Labis ang tuwa ng supporters sa social media, na umaasa sa soft launch ng kanilang relasyon.
Ipinagdiwang ni Kim Chiu ang Chinese New Year sa pamamagitan ng pagbabahagi ng biyaya sa kanyang team at production staff ng ABS-CBN. Ibinahagi niya sa isang Instagram post kung paano naging mahalaga sa kanyang pamilya ang pagdiriwang ng Chinese New Year noong kanyang kabataan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh