Mga labi ng ama ni Angel Locsin, kinakitaan ng maraming 'green bones'
- Kinakitaan umano ng mga green bones ang labi ng ama ni Angel Locsin
- Naibahagi ito ng kapatid ni Angel na si Ela at maging sila ay namangha nang malaman ito
- Naikwento rin ng ate ni Angel kung paanong hindi iniwan ni Angel ang kanilang ama hanggang sa huling hininga nito
- Marso 5 nang mapabalitang sumakabilang buhay na ang 98-anyos na ama ng aktres na si Angel Locsin
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng kapatid ni Angel Locsin na si Ela Colmenares na mayroon umanong nakitang green bones sa mga labi ng kanilang amang si Angelo Colmenares.

Source: Facebook
"In Chinese culture, green bones are considered the last gift from the deceased to their family and are viewed as a positive omen," ang bungad ni Ela sa kanyang Facebook post na naibahagi rin ng Inquirer.net.
Aniya, matapos ma-cremate ang mga labi ng ama, iniabot ng isang staff ng funeral parlor ang nag-abot sa kanila ng ziplock at sinabing maraming green bones na natagpuan sa kanilang yumaong ama.
"Ma’am, Sir,” one of them said gently, with a voice that almost sounded like awe, “we’ve seen many cremations… but your father had so many green bones. It’s very rare. We almost never see this in others."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Maging si Angel na noo'y halos maputla pa at noon pa lamang nakatulog ng maayos ay napangiti nang malaman ang magandang balita.
"Just then, Angel stirred awake, her eyes puffy from crying. Someone told her about Dad’s green bones. Her face lit up, like the sun breaking through a storm."
"Really? Dad left us green bones?" she whispered, her voice fragile but filled with wonder. Our brother smiled and nodded, "Yes. So many. She was suddenly so happy and proud"
Sinasabing ang taong mayroong green bones sa kanyang mga labi ay nagsasaad ng kabutihan nito noong siya'y nabubuhay pa.
Isa ang yumaong aktres na si Jaclyn Jose na kinakitaan din nito ayaon sa kanyang kapatid.
Samantala, nabanggit din ng kapatid ni Angel kung paano inalagaan ng aktres ang kanilang ama hanggang sa huling hininga nito.
Matatandaang sa Showbiz Update ni Ogie Diaz nakwento niya ang pagbisita nila sa burol ng ama ni Angel Locsin.
Nakumusta nila ang aktres subalit minabuting hindi na kunan pa ng video ang mga kaganapan doon.
Ngunit napag-alaman nilang 18 araw sa ospital si Angel na hindi talaga iniwan ang ama.
Ayon pa kay Ogie, isa umano ito sa dahilan kung bakit nagdesisyong magpahinga pansamantala sa showbiz si Angel upang mabigyan ng quality time ang ama.
Si Angel Locsin ang isa sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Subalit, mas tumatak sa lahat ang kanyang karakter na Darna gayung sumasalamin umano ito sa kanya nang husto maging sa totoong buhay.
Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Read also
Kitty Duterte, ipinakita ang resulta ng umano'y 'harassment' na dinanas niya at kanyang pamilya
Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin. Pinili muna ni Angel na magpahinga sa social media at wala rin umano sa kanyang mga kaibigan ang naglalabas ng kanyang larawan hanggang ngayon.
Hanggang sa ngayon, marami sa kanyang fans ang labis na nasasabik na mapanood muli siya sa telebisyon man o sa pelikula. Gayunpaman, marami ang nakauunawa sa desisyong ito ni Angel lalo na nang mabanggit ni Ogie Diaz na ang pamilya lalo na ang ama nito ang siyang naging dahilan nang pansamantala niyang pamamahinga sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh