Ruffa Gutierrez, sinabing muling nag-propose sa kanya ang dating asawa na si Yilmaz Bektas

Ruffa Gutierrez, sinabing muling nag-propose sa kanya ang dating asawa na si Yilmaz Bektas

- Inihayag ni Ruffa Gutierrez na muling nag-propose sa kanya ang dating asawang si Yilmaz Bektas

- Sinabi ni Ruffa na inakala niyang biro lamang ang alok ni Yilmaz na maglakbay sila sakay ng tren sa Europa

- Tinanggihan ni Ruffa ang alok ng dating asawa at sinabing maaari na lang itong bumisita sa Pilipinas

- Mas naging malapit na ngayon ang mga anak ni Ruffa kay Yilmaz matapos nilang bumisita sa Turkey

Ibinunyag ng aktres na si Ruffa Gutierrez na muling nag-propose sa kanya ang kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Ruffa Gutierrez, sinabing muling nag-propose sa kanya ang dating asawa na si Yilmaz Bektas
Ruffa Gutierrez, sinabing muling nag-propose sa kanya ang dating asawa na si Yilmaz Bektas (📷@iloveruffag /Instagram)
Source: Instagram

Sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, sinabi ni Ruffa na inakala niyang isang biro lamang ang panukala ni Yilmaz.

“Sabi ko, ‘Is this a joke?’ Sabi niya, ‘No, I want to invite you to be in a train with me’ at mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, ‘Totoo ba ‘to o baka he’s planning my murder on the plane or train?’” ani Ruffa.

Read also

Jennica Garcia, inaming nagrebelde sa Diyos dahil sa pinagdaanan

Gayunpaman, tinanggihan ng aktres ang alok ni Yilmaz, at sa halip ay iminungkahi nitong bumisita na lamang siya sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Sabi ko, ‘Okay, you’re welcome to visit in the Philippines,’” dagdag pa niya.

Samantala, mas naging malapit na ngayon ang kanyang mga anak sa kanilang ama matapos nilang bumisita sa Turkey.

“And I’m very happy na they are more at ease, you know, parang ‘yung pain na nakita ko nasa heart nila for how many years, nawala," ani Ruffa.

Dagdag pa niya, mas maayos na rin ang relasyon nila ni Yilmaz ngayon.

“I’m just so happy for my daughters because they now have personal relationship with their dad. Kami rin ni Yilmaz okay din kami, minsan nagbibiruan kami. Nagpapadala rin siya ng ano (pera), you know, so happy kaming lahat. Oo, regular ang communication,” pahayag pa ng aktres.

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, beauty queen, at TV host. Siya ay kinoronahang Binibining Pilipinas World 1993 at naging second runner-up sa Miss World 1993. Kilala rin siya sa showbiz bilang bahagi ng pamilyang Gutierrez, kung saan ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Bukod sa pagiging aktres, naging host din siya ng iba’t ibang talk shows at reality programs sa telebisyon.

Read also

Ashley Ortega, nag-open kay Ivana tungkol sa ina: "Three years na kaming hindi nakapag-usap"

Siya rin ay dating maybahay ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, at sila ay may dalawang anak na babae, sina Lorraine at Venice Bektas.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya.

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate