Vice Ganda, kinilala bilang isa sa top taxpayers ng QC: 'Karapatan natin kumwestiyon at bumoses'
- Kinilala si Vice Ganda bilang isa sa mga top taxpayers ng Quezon City para sa 2024 sa isang event ng BIR
- Ipinahayag niya na tungkulin ng bawat mamamayan ang magbayad ng buwis dahil ito ay pakikinabangan din ng publiko
- Binigyang-diin niya na may karapatan ang mga Pilipino na kumwestiyon at humingi ng transparency sa paggamit ng pampublikong pondo
- Hinimok niya ang publiko na maging mas responsable sa pagbabayad ng buwis upang makatulong sa pag-unlad ng bansa
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isa na namang mahalagang paalala tungkol sa pagbabayad ng buwis ang ibinahagi ng TV host-comedian na si Vice Ganda matapos siyang kilalanin bilang isa sa mga top taxpayers ng Quezon City para sa taong 2024.

Source: Youtube
Sa Tax Campaign Kick-Off ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Martes, binigyang-diin ni Vice Ganda ang kahalagahan ng responsibilidad sa pagbabayad ng buwis at ang karapatan ng mga mamamayan na humingi ng transparency sa paggamit ng pampublikong pondo.
"Karapatan natin kumwestiyon at magsalita at bumoses dahil pera po natin ang ginamit do'n, kaya lahat po tayo obligasyon natin magbayad ng buwis dahil tayo rin naman ang makikinabang diyan," pahayag ng sikat na TV host.
Ayon kay Vice Ganda, tungkulin ng BIR na siguruhing maayos ang pangongolekta ng buwis, ngunit hindi rin dapat kalimutan ng publiko na may karapatan silang alamin kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Kaya kung obligasyon natin magbayad, karapatan din natin obligahin ang mga tatanggap at gagamit ng perang ibinabayad natin dahil hindi madali kung paano natin kinita ang ipangbabayad natin ng buwis," dagdag pa niya.
Pinuri ng mga opisyal ng BIR ang pahayag ni Vice Ganda, na nagsisilbing inspirasyon sa publiko upang maging mas responsableng mamamayan. Inaasahan ng ahensya na mas marami pang Pilipino ang mahikayat na sundin ang tamang pagbabayad ng buwis upang matulungan ang bansa sa patuloy nitong pag-unlad.
Si Vice Ganda, o Jose Marie Viceral sa totoong buhay, ay isang sikat na komedyante, host, aktor, singer, at entrepreneur sa Pilipinas. Kilala siya bilang main host ng noontime show na It’s Showtime at sa kanyang mga blockbuster movies tulad ng Praybeyt Benjamin, Fantastica, at The Super Parental Guardians. Bukod sa pagiging isang entertainer, isa rin siyang advocate ng LGBTQ+ community at may malakas na impluwensya sa pop culture ng bansa.
Mabilis na kumalat ang bali-balitang nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance. Nilinaw ng isang malapit kay Vice na hindi ito walkout kundi isang teknikal na problema dahil mali ang music na pinatugtog para sa kanyang performance. Bagamat hindi na siya sumayaw, nagsalita pa rin si Vice sa stage at binati sina Ate Vi at isang Party-list group bago siya umalis. Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice bago ang event, ngunit nanatili namang maayos ang kanyang relasyon sa organizers at mga panauhin.
Nag-"belat" si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa It's Showtime kaugnay ng pagbati nila kay Sofronio Vasquez sa tagumpay nito sa The Voice USA. Tinawag ng It's Showtime na "our very own" si Sofronio, na tatlong beses sumali ngunit natalo sa Tawag ng Tanghalan. Ibinahagi ni Sofronio na naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan matapos siyang bigyan ng trabaho ng It's Showtime. Nagpasalamat si Sofronio sa It's Showtime at itinuturing ito bilang bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh