Basketball player na nali-link umano kay BINI Aiah, nagsalita na
- Nagsalita na ang Fil-Am basketball player na umano'y nali-link kay BINI Aiah Arceta
- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang dalawa na inakala ng marami na mayroong relasyon
- Binanggit ng basketbolista paano niya nakilala ang naiuugnay sa kanya na miyembro ng BINI\
- Sa ngayon, abala ang BINI sa kanilang world tour na nag-kick off sa isang sold-out concert sa Philippine Arena noong Pebrero 15
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita na ang Filipino- American basketball player na si Caelan Tiongson kaugnay sa maugong na relasyon 'di umano nila ng isa sa miyembro ng BINI na si Aiah Arceta.

Source: Instagram
Sa maiksing panayam sa kanya ng News5, binigyang linaw ni Caelan ang haka-haka ng marami.
"Like I said before, I met Aiah through a mutual friend at church and all I’m going to say is that she’s a really great person," paglilinaw ni Caelan.
"But I’m not gonna speak on her personal life anymore than that"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, sinabi ni Caelan na isa umanong BINI fan.
Narito ang kabuuan ng kanyangpahayag mula sa News5:
Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon. Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo 2024, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito. Noon lamang Pebrero 15, ginanap ang kick-off ng Grand BINIverse World Tour sa Philippine Arena. Kaya naman sa ngayon, abala ang BINI sa pamamayagpag nila sa nasabing concert tour sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Si Caelan Tiongson ay isang Filipino-American na manlalaro ng basketball na kasalukuyang naglalaro bilang swingman para sa Rain or Shine Elasto Painters sa Philippine Basketball Association (PBA). Ipinanganak siya noong Mayo 7, 1992, sa Pomona, California, USA. Bago sumali sa PBA, naglaro siya sa iba't ibang liga sa Asya, kabilang ang sa Macau, Pilipinas, Taiwan, at USA.
Noong 2024, napili si Tiongson bilang ikapitong overall pick sa PBA Rookie Draft at pumirma ng tatlong taong kontrata sa Rain or Shine Elasto Painters. Kamakailan, naging tampok si Caelan sa mga balita dahil sa mga usap-usapan tungkol sa kanyang relasyon kay Aiah Arceta ng BINI, isang kilalang all-girl K-pop group sa Pilipinas. Nilinaw naman ito ni Caelan at sinabing nagkakilala lamang sila ni Aiah sa pamamagitan ng isang mutual nilang kaibigan. Nilarawan niyang 'great person' si Aiah.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh