Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"

- Tumakas ang losing teams sakay ng isang van upang takasan ang funishment sa It’s Showtime

- Natuklasan na pagmamay-ari pala ni Belle Mariano ang sinakyan nilang sasakyan kaya agad silang bumalik

- Sa halip na bumalik sa stage, nagtungo pa sila sa kabilang studio upang makisayaw at makikain

- Sa huli, natanggap ni Vice Ganda ang punishment habang ang iba niyang kasama ay nagpunta na sa dressing room upang kumain

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang masayang araw ng tawanan at kulitan ang muling naganap sa paboritong noontime show na It's Showtime! ngayong unang araw ng Marso. Muling pinatunayan ng hosts na hindi lang sa studio, kundi pati na rin sa labas, umaapaw ang saya at sorpresa!

Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment"
Mga natalong team ng It's Showtime hosts, kinaaliwan matapos tumakas sa "funishment" (📷ABS-CBN News/YouTube)
Source: Youtube

Sa segment na "Ansabe", dalawang teams ang natalo at dapat sumailalim sa parusa sa ilalim ng grupong pinamumunuan ni Ogie Alcasid. Ngunit tila nagsasawa na ang mga talunan sa paulit-ulit na funishment, kaya naman nagdesisyon silang tumakas!

Read also

Sam Milby, naiyak sa FTWBA nang pag-usapan ang hiwalayan nila ni Catriona Gray

Habang inaasahan ng lahat na isasagawa na ang parusa, bigla na lang naglaho ang dalawang grupo.

“Teka lang. Nasaan na ‘yung mga kalaban namin?” tanong ni Teddy Corpuz nang mapansing wala na sila sa stage.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Nasaan na ‘yung mga talunan na iyan?” dagdag ni Amy Perez.

Nagulat ang lahat nang mahuli ng kamera na nagtatago sila backstage. Bigla silang nagtakbuhan palabas at sumakay sa isang van.

“Ako na ang bahala kumausap kung kanino may-ari,” ani Vice Ganda habang sumasampa ang team sa sasakyan.

Sinubukan silang harangin nina Karylle at Teddy, pero sa huli, matagumpay silang nakatakas.

“Ngayon lang kayo nanalo, tinakasan pa kayo,” pabirong hirit ni Amy. “Baka nagpunta sa GMA? Tsinek n’yo?”

Matapos ang matinding tawanan, bumalik rin ang mga lumayas na teams dala ang isang nakakatawang dahilan.

“Gusto lang namin magpasalamat kay Belle Mariano. Maraming salamat, Belle,” biglang sabi ni Darren Espanto.

“Paumanhin po sa pamilya ni Belle Mariano. Nasa labas na kami ng EDSA nang nalaman kay Belle Mariano pala ‘yung van,” dagdag ng Unkabogable Star.

Read also

Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’

Sa akalang tapos na ang lahat, bigla namang nagtungo ang grupo sa kabilang studio.

“Nami-miss ko na ‘yung friends ko. Baka nasa kabilang studio,” biro ni Vice.

“Hoy! Magsibalik kayo dito!” sigaw ni T’yang Amy. “Itong mga batang ito, ang lilikot!”

Matapos makikain at makisayaw sa kabilang stage, bumalik na rin ang mga tumakas na teams sa It’s Showtime. Sa huli, tinanggap ni Vice ang punishment at lumusot sa ilalim ng winning team. Ngunit nang lumingon siya, wala na ang iba pa niyang kasama.

Iyon pala, dumiretso na sila sa dressing room at nagsimula nang kumain!

“Huh! Natraydor tayo ng samahan. Sinasabi ko na nga ba. Matagal ko nang nararamdamang may AHAS sa samahan na ito,” biro ni Vice na parang kontrabida.

Hindi nagtagal, napuno ng hiyawan ang dressing room nang ibuhos ni Vice ang tubig mula sa nadampot niyang tumbler sa kanyang mga kasamahan!

Sa huli, tinapos ng lahat ang kanilang punishment, habang nagwagi naman ng Php 5,000 ang winning team para sa madlang people.

Read also

Ogie D sa viral video ng paglapit ng matanda kay Willie: "Basta bahala kayo humusga"

Ang "It's Showtime" ay isang noontime variety show sa Pilipinas na unang ipinalabas noong Oktubre 24, 2009, sa ABS-CBN. Ang programa ay kilala sa pagpapakita ng iba't ibang segments na nagbibigay ng kasiyahan, talento, at saya sa mga manonood. Ito ay nagtatampok ng mga paligsahan sa talento, kwelang laro, at iba’t ibang entertainment acts na pinangungunahan ng mga hosts tulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, at marami pang iba.

Patuloy na nagpapasaya ang mga hosts ng It’s Showtime sa kanilang mga tagapanood sa pamamagitan ng mga nakakaaliw na pakulo. Sa isang segment ng kanilang programa, nagpasiklab sila sa isang Dugtungan Dance Challenge na nagdulot ng tawanan at kasiyahan sa studio at online.

Sa gitna ng mga haka-hakang magtatapos na ang kontrata ng noontime show na “It’s Showtime” sa GMA 7, nagsalita na ang Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate