Regine Velasquez, may pabirong hirit kay Sam Milby sa ‘ASAP’ live episode
- Usap-usapan ng mga netizen ang pabirong hirit ni Regine Velasquez kay Sam Milby sa live episode ng ASAP nitong Linggo, Marso 2
- Sinabi ni Regine kay Sam ang linyang "Sorry kasi we’re not friends anymore," na tila may kaugnayan sa isyu ng aktor at ni Moira Dela Torre
- Napansin ng netizens ang reaksyon ni Sam na tila nagulat ngunit idinaan na lamang sa tawa at ngiti
- Patuloy namang usap-usapan online ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Sam at Moira, lalo na matapos ang post ni Xian Gaza tungkol sa kanila
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Usap-usapan ng mga netizen ang tila may laman na biro ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Kapamilya actor na si Sam Milby nang mag-guest ito sa live episode ng ASAP nitong Linggo, Marso 2.

Source: Instagram
Kitang-kita sa camera ang masayang chikahan ng dalawa, hanggang sa igiya ni host Robi Domingo si Regine papunta kay Piolo Pascual, na minsan na niyang nakatambal sa pelikula. Pagkatapos nito, si Sam naman ang itinulak nina Regine at Robi palapit kay Piolo.
Sa gitna ng biruan, binitiwan ni Regine ang linyang, “Sorry kasi we’re not friends anymore,” na ikinagulat ni Sam. Napansin ng netizens ang reaksyon ni Sam, na tila nagulat ngunit idinaan na lamang sa tawa at ngiti.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad namang niyakap ni Regine ang aktor bago nagpatuloy sa hosting. Ang linyang binitiwan ni Regine ay tila isang reference sa pahayag ni Sam tungkol sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng OPM singer na si Moira Dela Torre, sa panayam ni ABS-CBN news reporter MJ Felipe.
Samantala, patuloy na usap-usapan online ang post ng social media personality na si Xian Gaza, kung saan may pasabog siyang tanong tungkol sa pagkakaibigan nina Sam at Moira.
Sa gitna ng kontrobersiya, nananatiling tahimik si Moira at mariing itinanggi ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya. Wala rin siyang tugon sa umano’y pag-unfollow sa kanya nina Erik Santos, Yeng Constantino, at TJ Monterde.

Read also
Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.
Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon.
Nakatanggap ng standing ovation si Regine Velasquez-Alcasid sa ikalawang gabi ng kanyang ‘Reset’ concert sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati. Dinumog ng palakpakan at hiyawan ang bawat performance niya dahil sa kanyang emosyonal at makapangyarihang pag-awit. Napaiyak si Regine habang inaawit ang ‘Leader of The Band’ bilang alay sa kanyang yumaong ama na si Tatay Gerry. Nakipag-duet siya kay Jona sa ‘Sometime, Somewhere’ at sa kanyang ina na si Mommy Teresita Velasquez sa ‘Dancing Queen’ at ‘Dance With Me.'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh