Priscilla Meirelles, ibinahagi ang weight loss journey at laban sa endometriosis
- Ibinahagi ni Priscilla Meirelles ang kanyang weight loss journey at laban sa endometriosis sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda
- Sumailalim siya sa isang surgical procedure upang alisin ang cyst sa kanyang abdominal area at bumalik sa kanyang dating sigla
- Inalis niya sa kanyang diet ang processed sugar, refined carbohydrates, at dairy products na maaaring magpalala ng kanyang kondisyon
- Sa loob ng pitong buwan, nawala ang 45 lbs sa kanyang timbang matapos bumalik sa regular na workout routine, partikular sa weight lifting
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ng Brazilian model at aktres na si Priscilla Meirelles ang kanyang weight loss journey at laban sa endometriosis sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, Pebrero 28.

Source: Facebook
Ayon kay Priscilla, dumaan siya sa matinding pagsubok sa nakalipas na dalawang taon, kabilang ang pagkakaroon ng endometriosis—isang chronic condition kung saan may tumutubong tissues sa labas ng uterus na nagdudulot ng matinding pelvic pain.
Upang matugunan ang kanyang kondisyon, sumailalim si Priscilla sa isang surgical procedure para alisin ang cyst sa kanyang abdominal area. Dahil dito, napagtanto niyang kailangan niyang bumalik sa kanyang dating sigla at alagaan ang kanyang kalusugan. Isa sa mga hakbang na ginawa niya ay ang pagbabago sa kanyang diet, kung saan inalis niya ang processed sugar, refined carbohydrates, at dairy products na maaaring magpalala ng kanyang kondisyon.
“And then po, babalik ako sa work out routine. So during that time when I was having that condition, that actually last from almost five years po, I couldn't work out. So nag-decide ako na babalik ako sa work out routine ko and then the workout routine that I do po, I really went back to weight lifting,”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod sa tamang pagkain, bumalik rin si Priscilla sa kanyang workout routine, partikular sa weight lifting. Aniya, halos limang taon siyang hindi nakapag-ehersisyo dahil sa kanyang kondisyon, ngunit ngayon ay unti-unti niyang binawi ang kanyang lakas. Sa loob ng unang tatlong buwan ng kanyang fitness journey, nakapagtala siya ng 40 lbs na weight loss, at sa ika-pitong buwan, umabot na ito sa 45 lbs.
Ayon kay Priscilla, masaya siya sa kanyang progreso at naniniwala siyang naabot na niya ang tamang timbang para sa kanyang katawan.
Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.
Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.
Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh