Jake Ejercito, inalala ang unang taon ng death anniversary ni Jaclyn Jose
- Inalala ni Jake Ejercito ang first death anniversary ni Jaclyn Jose
- Sa pamamagitan ng kanyang socmed post, ibinahagi ni Jake ang paggunita nila sa ika-isang taon ng pagpanaw ng lola ng kanyang anak na si Ellie
- Si Ellie ang anak nina Jake at ni Andi Eigenmann, na anak naman ng nasabing pumanaw na aktres
- Matatandaang isa si Jake sa mga nagpakita ng suporta kina Andi at Ellie sa pagdadalamhati ng mga ito sa biglaang pagpanaw ng nag-iisang Jaclyn Jose
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isa si Jake Ejercito sa mga nakaalala sa unang anibersaryo ng pagpanaw ng respetadong aktres na si Jaclyn Jose.

Source: Facebook
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Jake ang simpleng paggunita nila ng anak niyang si Ellie sa unang taon na wala na ang lola nitong si Jaclyn.
"One year on" ang caption ng kanyang post kung saan makikita ang larawan ni Jaclyn habang ang isa naman ay larawan ng anak niyang si Ellie.
Dahil dito, maging ang mga netizens ay napansin ang respeto ni Jake kay Jaclyn lola ng anak nola ni Andi Eigenmann.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa naturang post:
"Ambait mo naman. Andi must be emotional sa post mo na ito . Nanay niya 'yan at napalaking bagay yan sa kanya . Great heart Jake Ejercito"
"Rest in eternal peace Ms. Jacklyn and hatsoff to you Jake for being thoughtful. Respect"
"You’re so thoughtful Jake Ejercito God bless you more and Ellie always. Rest in paradise beautiful soul Ms Jaclyn Jose "
"Ang bilis ng panahon, one year na pala. You are such a gentleman Jake. Kahit hindi na kayo ni Andi. All for Ellie"
"RIP Ms. Jaclyn Jose. It's been one year. Thanks yo Jake, isa siya sa mga nakaalala."
Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang 'Linlang' at 'Can't Buy Me Love'
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Jake na thankful umano siya kay Philmar Alipayo na bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie. Alam niyang inaalagaan din umano ni Philmar ang kanyang anak. Wala rin umanong reklamo si Ellie pagdating sa kanyang stepdad.
Si Ellie ay ang anak nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Matatandaang madalas na kagiliwan ng netizens ang JEllie convos ng mag-ama na animo'y magtropa lamang sa tuwing sila'y nagkukulitan. Sa ngayon, nasa poder ni Jake ang kanyang anak na si Ellie na habang nasa Siargao naman si Andi at mga anak nito kasama ang partner na si Philmar Alipayo. Matatandaan na bago mamalagi si Ellie sa ama kung saan ito nag-aaral na sa ngayon, emosyonal si Andi sa isang video habang ikiinikwento ang kanilang naging desisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh