Ivana, naikwento ang 'di malilimutang nasabi sa kanya ni Direk Gina Alajar
- Ikinuwento ni Ivana Alawi ang umano'y hindi niya malilimutang nagawa sa kanya ni Gina Alajar
- Naibahagi niya ito sa vlog kung saan kasama niya si Barbie Forteza
- Ani Ivana, ang umano'y pag-usisa sa kanya na ito ni Direk Gina Alajar ay dala umano ng kanyang pagiging mahiyain
- Matatandaang minsan na rin umano napuna si Ivana ni Ogie Diaz ng hindi pagpansin sa kanya subalit agad namang nag-reach out ang aktres na labis naman umanong na-appreciate ni Ogie
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa pinakabagong episode ng vlog ni Ivana Alawi kung saan panauhin niya si Barbie Forteza, naikwento ni Ivana ang hindi niya malilimutang nasabi sa kanya ni Direk Gina Alajar.

Source: Facebook
May kaugnayan umano ito sa pagiging mahiyain ni Ivana, taliwas sa inaakala ng marami lalo na at sobrang masayahin niya at madaldal sa kanyang mga vlogs. Ito rin ang isa sa mga minahal sa kanya ng publiko kaya naman umabot sa 18.6 million ang kanyang subscribers sa YouTube channel pa lamang niya.May kaugnayan umano ito sa pagiging mahiyain ni Ivana, taliwas sa inaakala ng marami lalo na at sobrang masayahin niya at madaldal sa kanyang mga vlogs. Ito rin ang isa sa mga minahal sa kanya ng publiko kaya naman umabot sa 18.6 million ang kanyang subscribers sa YouTube channel pa lamang niya.
Dahil dito, inalala ni Ivana ang pagkakataong diretsa siya ng respetadong aktres at isa rin sa mga kilalang direktor sa bansa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Tinawag talaga ako ni Direk Gina Alajar, 'Ikaw halika nga dito, hindi ka marunong mag-hello ...at makipagchikahan sa amin. Sabi ko, sorry! tapos iyak ako ng iyak"
Sa kabila ng pangyayaring ito, hindi raw talaga maalis ni Ivana ang kanyang pagiging mahiyain.
Paliwanag ni Ivana, sadyang mahiyain siya dahilan para isipin ng ibang tao na hindi siya namamansin.
Matatandaang minsan na rin siyang nasabihan ni Ogie Diaz na hindi umano siya pinansin ni Ivana nang dumalaw sila sa set ng Batang Quiapo.
Gayunpaman, agad namang nag-reach out si Ivana kay Ogie upang ipaliwanag ang kanyang saloobin. Labis naman daw itong na-appreciate ni Ogie at sinabing okay na sila ng aktres.
Narito ang kabuuan ng vlog mula sa kanyang Ivana Alawi YouTube channel:
Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.
Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.
Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 18.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.
Matatandaang noong nakaraag Pasko, taong 2024, ilang mga street vendors ang napasaya ni Ivana dahil sa surpresang kanyang dala. Sa tuwing may papayag na vendor na bigyan na lamang ang kanyang kasabwat, na nagpanggap umano na walang pambayad, lalapit si Ivana para hawakan ang paninda at bibilhin na niya ito lahat.
Bago rin magtapos ang taong 2024, mga delivery riders naman ang kanyang napasaya gayundin ang mga construction workers na kanyang nakasalamuha. Doon, nakita ni Ivana na hindi basta ang trabaho ng mga construction workers na kanyang sinubukan. Nabigyan niya ang mga ito ng maagang pamasko na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang mga pamilya na siyang dahilan kung bakit sila nagsisipag sa kanilang mga hanapbuhay lalo na at karamihan sa kani;a'y malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh