Racquel Pempengco, naglabas ng saloobin matapos muling mag-viral ang libro ni Jake Zyrus
- Naglabas ng matapang na pahayag si Raquel Pempengco matapos muling mag-viral ang libro ng kanyang anak na si Jake Zyrus
- Ipinahayag niya na sanay na siyang tawaging masama at tinanggap na ang bansag sa kanya bilang "Evil Queen"
- Sinabi niyang hindi na niya isasali ang kanyang kwento sa anumang aklat upang maiwasan ang gulo at pagkasira ng iba
- Binigyang-diin niya na mananatili siyang may kapayapaan ng isip at hindi niya papatulan ang mga taong walang utang na loob
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling naging usap-usapan sa social media ang autobiography ni Jake Zyrus, dahilan upang maglabas ng matapang na pahayag ang kanyang ina, si Raquel Pempengco. Sa isang serye ng mensahe na kanyang ibinahagi, tila ipinaabot niya ang kanyang saloobin hinggil sa patuloy na pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kwento ng anak.

Source: Instagram
"Kuwento niyo 'yan, malamang masama ako diyan. Pero hindi ko alam ang kuwentong 'yan. Sanay na akong tawaging masama. Kung 'yan ba ikakasaya niyo. Tanggap ko na ang pangalang kong EVIL QUEEN," ani Pempengco. Dagdag pa niya, batid niyang may sarili siyang kwento ngunit hindi na niya ito isasali sa anumang aklat dahil ayaw niyang may mapahamak o madagdagang ‘masasama’.

Read also
Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Source: Facebook
Diretsahang tinawag niyang "walang utang na loob" ang ilang tao na patuloy umanong ginagamit ang kanyang pangalan. "Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob... sila na magdadala ng lahat... the truth still prevails... but no matter what... my blood still flowing in your veins and you can only remove that when you're already dead," aniya.
Bagamat hindi diretsang pinangalanan ni Raquel kung sino ang pinatatamaan niya, maraming netizens ang naniniwalang ito ay may kaugnayan sa libro ni Jake Zyrus, na patuloy na umaani ng reaksyon mula sa publiko.
Sa kabila ng matagal nang hidwaan sa pagitan ng mag-ina, tila nananatili pa rin ang matinding emosyon sa bawat panig, lalo na't hindi pa rin natatapos ang mga diskusyong may kaugnayan sa kanilang personal na buhay.
Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.
Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos.
Si Raquel Pempengco, ina ng singer na si Jake Zyrus, ay nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa isyu ng pasasalamat at paggalang sa magulang. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Raquel ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga magulang, lalo na ang mga ina, na ayon sa kanya, ay may malalim na epekto sa kaligayahan at tagumpay ng isang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh