Sarina Hilario, may nakatutuwang reaksyon nang mag-kiss ang kanyang mommy at daddy
Insert image
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
- Kamakailan ay ibinahagi ng kanyang amang si Jhong Hilario ang mga ganap ng kanyang trip sa Los Angeles
- Makikita rin doon kung gaano kasaya si Sarina sa isa na namang family bonding nila
- Si Sarina Hilario ay anak ni Jhong Hilario na pumukaw sa puso ng publiko dahil sa kanyang pagkabibo at talaga namang talentado
Agaw eksena online ang nakatutuwang reaksyon ni Sarina Hilario nang mag-kiss sa harap niya ang kanyang Mommy Maia at Daddy Jhong Hilario.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa Facebook post ni Jhong, ibinahagi niya ang mga kaganapan sa kanilang Losa Angeles trip kamakailan.
TWO YEARS LATER... We’re BACK in Los Angeles, and this trip was even more epic! From diving into the world’s #1 slime experience at Sloomoo Institute, to Jhong experiencing his first-ever NBA game live, exploring Beverly Hills, and capturing iconic shots at the Hollywood Sign, this trip was packed with unforgettable moments!
Isa nga rito ang nasabing larawan na siyang natutukan ng pansin ng mga netizens.

Source: Facebook
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Anong nakita mo Sari? So Cute"
"Ang mata! Very true baby Sari"
"Sa lahat ng pictures nila sa trip na to, ito ang pinakagusto ko"
"Winner na naman ang reaksyon mo Sari!"
"Kahit picture lang to, at hindi video, aliw na aliw talaga kami sayo Sari"
"Ang cute ng reaction niya! We love you Sari.
Samantala, makikita rin sa nasabing trip ang pagbisita nila sa Disneyland na labis ding ikinatuwa ni Sarina.
Narito ang kabuuan ng nasabing post:
Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging adorable and talented nito. Isa na rito ang pagkanta niya ng 'Maybe This Time' na muling nagbigay saya sa marami. Katunayan umabot sa mahigit isang milyon ang views ng naturang video.
Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video ni Sarina sa meet and greet niya sa paborito niyang grupo, ang BINI.
Samantala, umantig naman sa puso ng marami ang video ni Sarina kung saan naglalahad ito ng saloobin tuwing umaalis ang kanyang Daddy Jhong para magtrabaho. Aniya, naiiyak siya at nalulungkot subalit pinaliwanag naman ng kanyang ina bakit kailangan umalis ng kanyang daddy. Patunay lamang ito kung gaano rin kalapit si Sarina sa kanyang Daddy Jhong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh