Ogie Diaz, nakausap ang isang source ukol sa KathNiel: "Yes tito Og! Nagkaayos sila"

Ogie Diaz, nakausap ang isang source ukol sa KathNiel: "Yes tito Og! Nagkaayos sila"

- Kamakailan ay umugong ang balitang nagkaayos na 'di umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Marami ang natuwa sa balitang ito lalo na ang mga Kathniel fans subalit wala pang kumpirmasyon mismo na nanggagaling sa dalawa

- Matatandaang naglabas din ng pahayag ang ina ni Kathryn na sinasabing patungkol sa sinasabing pagkaayos ng dalawa

- Isang source naman ni Ogie Diaz ang nagsabing nagkaayos nga ang dalawa subalit hindi umano nangangahulugang nagkabalikan na

Kamakailan, naging usap-usapan ang balitang umano'y nagkaayos na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang kilalang tambalan ng showbiz na mas kilala sa tawag na "KathNiel."

Ogie Diaz, nakausap ang isang source ukol sa KathNiel: "Yes tito Og! Nagkaayos sila"
Photo: @supremo_dp
Source: Instagram

Marami sa kanilang mga fans, ang mga KathNiel supporters, ang natuwa at nagdiwang matapos marinig ang balitang ito, subalit, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula mismo sa dalawa.

Samantala, isang source na malapit kay Ogie Diaz ang nagbigay ng kanyang pahayag ukol sa isyu. Ayon sa source, talagang nagkaayos nga sina Kathryn at Daniel, ngunit nilinaw nito na hindi pa raw ito nangangahulugang nagkabalikan na sila.

Read also

Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö

“Eto nga may nakausap akong malapit kay Daniel... Ayun nga sabi, yes tito Og! Nagkaayos sila. Pero 'yung balikan, wala pa. Pero okay sila," ani Ogie ayon umano sa kanyang source.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hanggang ngayon, patuloy ang paghihintay ng kanilang mga fans sa opisyal na pahayag mula kay Kathryn at Daniel, ngunit tila magandang senyales ang umano'y pag-uusap na ng dalawa.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz ukol sa usap-usapang ito mula sa kanyang Showbiz Update channel:

Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel." Nobyembre 30 ng taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Estudyante mula sa isang exclusive school sa Manila, na-rescue mula sa mga kidnappers

Samantala, muling nasungkit ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards ang highest grossing film sa Pilipinas sa pelikula nilang Hello Love Again na napanood noong 2024. Matatandaang naungusan ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Hello Love Again ng KathDen subalit makalipas lamang ang halos isang taon, nabawi muli nila ang nasabing trono.

Balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez. Sa ngayon, isa na ito sa pinakaabangang serye ng ABS-CBN na napapanood din sa Netflix. Sa nasabing serye rin muling napaanoood ang isa rin sa mga naging kontrobersyal on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings. Sa kabila ng hinarap na kabi-kabilang isyu, nangibabaw pa rin ang papuri sa husay ng pagganap ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica