Katherine Luna, nagsalita kaugnay sa anak na pina-DNA ni Coco Martin

Katherine Luna, nagsalita kaugnay sa anak na pina-DNA ni Coco Martin

- Sa unang pagkakataon ay muling nagpaunlak ang dating aktres na si Katherine Luna patungkol sa anak na napabalita noon na anak ng dating karelasyong si Coco Martin sa pamamagitan ng Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel

- Nilinaw niyang hindi kailanman siya nanghingi ng pera kay Coco noong panahong pinanganak niya si Nicole ngunit aminado siyang simula noong tatlong taon ang anak ay unti-unti niyang nakikitang hindi si Coco ang kamukha ng anak

- Pinili umano niyang umiwas noon dahil bukod sa hindi niya alam kung paano niya babawiin ang lumabas ang balita

- Hiniram daw ni Coco si Nicole nang hindi alam ni Katherine habang nasa pangangalaga ng ina niya ang anak kaya sumama daw loob niya sa kanyang ina

Sa isang panayam sa Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel, muling nagsalita ang dating aktres na si Katherine Luna tungkol sa anak niyang si Nicole, na napabalitang anak ng dating karelasyong si Coco Martin. Nilinaw niyang hindi siya kailanman nanghingi ng pera kay Coco noong isinilang niya si Nicole, ngunit inamin niyang napansin niyang hindi ito kamukha ng aktor habang lumalaki.

Read also

McCoy De Leon, emosyonal nang idetalye paano siya naisalba ng anak na si Felize

Katherine Luna, nagsalita kaugnay sa anak na pina-DNA ni Coco Martin
Katherine Luna, nagsalita kaugnay sa anak na pina-DNA ni Coco Martin (📷Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Katherine, pinili niyang umiwas noon sa isyu, lalo na nang lumabas ang resulta ng DNA test na nagsasabing hindi si Coco ang ama ng bata. Bukod dito, ikinuwento niyang nasaktan siya nang hiramin umano ni Coco si Nicole nang hindi niya alam, habang nasa pangangalaga ito ng kanyang ina. Dahil dito mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na gumamit siya ng pera ng aktor.

Iginiit ni Katherine na hindi siya humingi ng anumang suporta kay Coco at umalis siya sa eksena dahil sa hiya. Aniya, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari matapos lumabas ang balita. Sa kasalukuyan daw ay hindi pa rin nakikilala ni Nicole ang kanyang tunay na ama. Hindi umano ito taga-showbiz pero isa itong Chinese businessman at artista din daw ang asawa nito ngayon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagkakilala sina Katherine at Coco nang magkasama sila sa isang indie film, kung saan nagsimula ang kanilang naging ugnayan.

Read also

Katrina Halili, proud sa mga achievements ng anak na si Katie sa kabila ng kanyang kondisyon

Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.

Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate