Belle Mariano, nag-message kay Robi Domingo pagkatapos ng troll account threat

Belle Mariano, nag-message kay Robi Domingo pagkatapos ng troll account threat

- Dumulog si Robi Domingo sa National Bureau of Investigation upang pag-usapan ang posibleng reklamo laban sa isang troll account na nagbanta sa kanya online

- Kinumpirma niyang kinonsulta muna niya ang kanyang legal team, mga kaanak, at ang kanyang asawang si Mikee Morada bago humingi ng tulong sa mga awtoridad

- Nag-ugat ang isyu matapos makatanggap si Robi ng isang tila banta mula sa isang troll account sa kanyang Instagram post kaugnay ng bagong season ng "Pilipinas Got Talent"

- Sinabi ni Robi na nais niyang bigyang-diin ang responsableng paggamit ng social media at ang accountability ng mga gumagamit nito

Dumulog si Robi Domingo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Pebrero 27, upang pag-usapan ang posibleng pagsasampa ng reklamo laban sa isang troll account na nagbanta sa kanya online noong nakaraang linggo.

Belle Mariano, nag-message kay Robi Domingo pagkatapos ng troll account threat
Belle Mariano, nag-message kay Robi Domingo pagkatapos ng troll account threat (📷@iamrobidomingo, @belle_mariano | Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa TV host, kinonsulta muna niya ang kanyang legal team, mga kaanak, at ang kanyang asawang si Mikee Morada bago tuluyang humingi ng tulong sa mga awtoridad. "I consulted with a lot of people, including my legal team, and they said it's a go," ani Robi.

Read also

Sam Verzosa, naglabas ng "resibo" upang kontrahin ang pahayag ni Isko Moreno

Nag-ugat ang insidente matapos ianunsyo ang mga hurado ng bagong season ng "Pilipinas Got Talent" kung saan si Robi at Melai Cantiveros ang magiging hosts. Isang troll account ang nag-iwan ng tila banta sa kanyang Instagram post, dahilan upang siya ay mabahala.

Sinabi niyang una niyang kinausap si Mikee kung dapat ba niyang sagutin ang nasabing komento. "Sabi niya, just ask questions, don’t be direct kasi it will just create turmoil," dagdag pa niya. Ngunit dahil sa kanyang naging tugon, nadamay pa ang mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano).

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kontrobersiya, isang mensahe mula kay Belle Mariano ang nagbigay-linaw sa sitwasyon. “Nag-message siya sa akin, sinabing, ‘Hi Kuya, I hope you are okay! Rest assured, my true fans will not harm you in any way,’” ani Robi.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Robi ng masasakit na salita o banta online, kaya’t nais niyang bigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media. “Troll man o hindi, dapat tayong managot sa ating mga aksyon, online man o offline,” aniya.

Read also

Robi Domingo, dumulog sa NBI matapos makatanggap ng banta mula sa isang netizen

Si Robert Marion "Robi" Eusebio Domingo o mas kilala bilang si Robi Domingo ay isang VJ, actor, dancer, at host. Una siyang sumikat sa mundo ng showbiz nang sumali siya at kinilala bilang first runner-up ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Naging bahagi siya ng mga artista ng Star Magic.

Matatandaang nagbigay komento si Rob kaugnay sa viral na PBB teens episode. Imbis na Gomburza ang isagot patungkol sa Filipino martyr priests, "MaJoHa" ang isinagot ng housemate. Kaya naman may hamon si Robi sa mga content creators ngayon sa paglikha ng mas makabuluhang mga konsepto ng kanilang video. Aniya, nasasalamin din sa pangyayari ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Kabilang si Robi sa naging usap-usapan lalo nang mabanggit sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Sa kanyang official Twitter page, nagpost si Robi ng tanong na "how true." Dahil sa kainitan ng isyu tungkol sa mga screenshots na nilabas ni Wilbert Tolentino, hindi maiwasan ng mga netizens na iugnay ang post na ito ni Robi sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: