Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö
- Dumalaw sa bahay nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang matalik na kaibigan na si Pernilla Sjöö matapos manggaling sa Isla Siargao
- Naging usap-usapan ang pagbisita ni Pernilla dahil sa kontrobersiyang nadawit siya bilang diumano’y third party sa relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
- Isang netizen ang nagtanong kung bakit hindi umano sinagot ni Pernilla ang mensahe ni Andi kaya’t agad itong pinabulaanan ni Derek at sinabing may naging sagot ang kaibigan niya
- Nanatiling tahimik sina Andi at Philmar ukol sa isyu habang hinimok ni Derek ang publiko na panoorin ang kanyang buong panayam kay Ogie Diaz bago siya husgahan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Dumalaw ang matalik na kaibigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö sa kanilang tahanan. Binahagi ni Derek sa kanyang Instagram story ang isang video kung saan makikitang nakaupo ito katabi si Ellen sa bahay ng mag-asawa.

Source: Instagram
Ang pagbisitang ito ay agad na naging usap-usapan matapos muling maungkat ang kontrobersiya kaugnay sa viral na isyung pagkakadawit ni Pernilla bilang diumano'y "third party" sa relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Derek ang bonding moment nilang mag-asawa kasama si Pernilla. Matatandaang minsan nang sinabi ni Derek na may lubos na tiwala sa isa't isa ang kanilang relasyon, kaya’t kahit pa matulog sila sa iisang kama kasama ang kanilang kaibigan, walang anumang pagdududa mula kay Ellen.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, hindi inaasahan na mauuwi sa mainit na talakayan sa social media ang tila payapang post ni Derek tungkol sa kanyang pagiging ama. Noong Pebrero 13, 2025, ibinahagi ng aktor ang isang video kung saan kinakantahan niya ang kanilang anak na si Liana ng nursery rhyme na Skidamarink.
Ngunit sa halip na pagtuunan ng pansin ang sweet na moment na ito, sumiklab ang diskusyon nang may isang netizen na nagtanong kung bakit hindi umano sinagot ni Pernilla ang mensahe ni Andi Eigenmann. Ayon sa komento, ang pananahimik ng kaibigan ni Derek ay isang senyales ng kawalang-galang at maaaring indikasyon ng pagkakasala.
"Ignoring your confrontation is a sign of insult and disrespect… Silent means yes," ani ng netizen.
Agad namang rumesbak si Derek upang ipagtanggol ang kanyang kaibigan at pabulaanan ang akusasyon.
"Who said di sumagot si Pern? I’ve seen the messages," sagot ng aktor, na tila nagpapahiwatig na may naging komunikasyon sa pagitan nina Andi at Pernilla.
Sa kabila ng pambabatikos, marami rin ang dumepensa kay Derek at iginiit na hindi dapat siya i-bash dahil lamang sa pagtatanggol sa kaibigan. Isang netizen ang nagsabi na hindi naman ininvalida ni Derek ang nararamdaman ni Andi, ngunit tila pinunto lamang na hindi na dapat pinalaki ang isyu.
"Bottomline ng statement ni Derek is sana hindi na lang sana pinost ni Andi kasi after one week okay na pala agad sila," saad ng isang tagasuporta ng aktor. "The listening comprehension of people really baffles me sometimes."
Dahil sa patuloy na pagkalat ng isyu, hinimok ni Derek ang publiko na panoorin ang kanyang buong panayam kay Ogie Diaz bago husgahan ang kanyang mga pahayag.

Read also
Jeraldine Blackman, umalma sa espikulasyong 'for content' lang ang paghihiwalay nila ng asawa
"I don’t mind the bashing. Please watch the entire interview. Hindi po siya post, hindi po siya personal video na ginawa ko. It’s an interview with Ogie Diaz," aniya.
Si Derek Ramsay ay isang Filipino-British actor, model, at host na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at teleserye sa Pilipinas. Sumikat siya sa mga romantic-comedy at drama films tulad ng No Other Woman, The Unmarried Wife, at Kasal.
Bukod sa pagiging artista, isa rin siyang dating TV host at naging bahagi ng iba't ibang programa sa ABS-CBN, TV5, at GMA Network. Kilala rin si Derek sa kanyang athleticism, lalo na sa larangan ng frisbee at golf.
Sa isang eksklusibong panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mabilis ngunit matibay nilang pagmamahalan na nagbunsod sa kanilang pagpapakasal.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Derek ang isang video kasama ang kanyang anak kay Ellen Adarna, kung saan kinakantahan niya ito. Ngunit imbes na purong positibong komento ang matanggap, may isang netizen na nagbigay ng malisyosong pahayag:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh