Vice Ganda, nawindang matapos ibuking ni Kim Chiu: "Talagang in-out mo!"
- Ibinuking ni Kim Chiu na nagka-dengue si Vice Ganda habang live sa It’s Showtime
- Natawa si Vice Ganda at sinabing, “Talagang in-out mong nagka-dengue ako” matapos ang rebelasyon ni Kim
- Ibinahagi ni Vice na hindi niya alam na may dengue siya ngunit hindi siya nanghina dahil sa kanyang healthy living
- Nagpaalala si Vice Ganda sa madlang people na palaging uminom ng tubig at panatilihing malusog ang katawan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging usap-usapan ang naging rebelasyon ni Kim Chiu tungkol sa kalusugan ni Vice Ganda sa isang episode ng It’s Showtime. Sa segment ng SexyBabe, napag-usapan ang naging kondisyon ni Vice, kung saan ibinahagi niyang maayos na ang kanyang laboratory results at normal na ang kanyang platelet count.

Source: Youtube
Habang nagbibiro si Ryan Bang, sinabi ni Vice na ipapalaboratory test niya rin ito dahil mukhang bumagsak na rin ang platelets nito at na-dehydrate. Sinabayan niya ito ng paalala sa madlang people na panatilihing hydrated ang kanilang katawan.

Read also
Katrina Halili, proud sa mga achievements ng anak na si Katie sa kabila ng kanyang kondisyon
Dito na sumingit si Kim Chiu at sinabing, “Buti na lang okay ka na ngayon, Ma. Pero kahit may dengue ka, nagtrabaho ka pa rin.” Napatawa ang buong studio nang agad na sumagot si Vice, “Talagang in-out mong nagka-dengue ako.” Natawa rin ang mga co-hosts nilang sina Vhong Navarro, MC Muah at Ryan Bang sa hindi inaasahang pagbubuking ni Kim.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanilang pag-uusap, lumabas na hindi alam ni Vice Ganda na mayroon siyang dengue noon. Hindi raw niya ito masyadong naramdaman dahil sa kanyang healthy living. Bilang panghuling mensahe, pinaalalahanan ni Vice ang lahat na mag-ingat at palakasin ang kanilang resistensya upang maiwasan ang ganitong sakit.
Si Vice Ganda, o Jose Marie Viceral sa totoong buhay, ay isang sikat na komedyante, host, aktor, singer, at entrepreneur sa Pilipinas. Kilala siya bilang main host ng noontime show na It’s Showtime at sa kanyang mga blockbuster movies tulad ng Praybeyt Benjamin, Fantastica, at The Super Parental Guardians. Bukod sa pagiging isang entertainer, isa rin siyang advocate ng LGBTQ+ community at may malakas na impluwensya sa pop culture ng bansa.
Mabilis na kumalat ang bali-balitang nag-walkout si Vice Ganda sa Barako Festival matapos hindi na niya itinuloy ang kanyang dance performance. Nilinaw ng isang malapit kay Vice na hindi ito walkout kundi isang teknikal na problema dahil mali ang music na pinatugtog para sa kanyang performance. Bagamat hindi na siya sumayaw, nagsalita pa rin si Vice sa stage at binati sina Ate Vi at isang Party-list group bago siya umalis. Maraming fans ang nanghinayang dahil nag-rehearse pa si Vice bago ang event, ngunit nanatili namang maayos ang kanyang relasyon sa organizers at mga panauhin.
Nag-"belat" si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa It's Showtime kaugnay ng pagbati nila kay Sofronio Vasquez sa tagumpay nito sa The Voice USA. Tinawag ng It's Showtime na "our very own" si Sofronio, na tatlong beses sumali ngunit natalo sa Tawag ng Tanghalan. Ibinahagi ni Sofronio na naging vocal coach siya ng mga contestant ng Tawag ng Tanghalan matapos siyang bigyan ng trabaho ng It's Showtime. Nagpasalamat si Sofronio sa It's Showtime at itinuturing ito bilang bahagi ng kanyang tagumpay sa The Voice USA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh