Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show

Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show

- Muntik nang tamaan sa ulo ng bottled water si Moira Dela Torre habang kumakanta sa isang mall show kaya’t nagulat ang mga manonood at netizens

- Sa kabila ng insidente, nanatili siyang mahinahon at ipinagpatuloy ang kanyang pagtatanghal kaya’t hinangaan siya ng marami

- May ilang netizens na nag-uugnay sa pangyayari sa isyu ng hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray kung saan nadawit ang pangalan ni Moira

- Nauna nang nilinaw ni Sam Milby na walang third party sa paghihiwalay nila ni Catriona kaya’t walang katotohanan ang mga espekulasyon na may ibang taong sangkot sa isyu

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan muntik nang tamaan sa ulo ng bottled water ang singer na si Moira Dela Torre habang kumakanta sa isang mall show. Sa nasabing footage, makikitang may biglang bumagsak na bote mula sa taas, dahilan upang mapaatras ang singer dahil sa gulat. Sa kabila nito, nanatiling mahinahon si Moira at ipinagpatuloy ang kanyang pagtatanghal, bagay na hinangaan ng ilang netizens.

Read also

Alden Richards, nagbahagi ng 'food for thought': "Mind your own business"

Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show
Moira Dela Torre, muntik nang tamaan ng bottled water sa isang mall show (📷@moiradelatorre/Instagram)
Source: Instagram

Dahil sa insidente, lumutang ang espekulasyon ng ilang netizens na maaaring may kinalaman ito sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Moira, kung saan nadawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray. Ayon sa ilang komento sa social media, tila hindi pa rin humuhupa ang galit ng ilan sa isyung ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kinumpirma ni Sam Milby nitong Martes na tuluyan na silang naghiwalay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos ang halos isang taong espekulasyon. Iginiit ng aktor na walang third party sa kanilang paghihiwalay, aniya:

"There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all."

Sa kabila ng mga lumulutang na teorya, wala pang pahayag si Moira tungkol sa insidenteng nangyari sa kanyang mall show. Patuloy namang pinag-uusapan ang nangyari, at maraming netizens ang umaasang ito ay isang aksidente lamang at walang masamang intensyon mula sa sinumang naroon sa event.

Read also

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

Si Moira Dela Torre o Moira Rachelle Bustamante Dela Torre sa totoong buhay ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng ilang sikat na mga kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019. Gayunpaman ay nagkahiwalay din sila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Matatandaang kinumpirma ng Cornerstone Entertainment na wala na si Moira Dela Torre sa kanilang talent roster. Nagdulot ng usap-usapan ang pag-unfollow ng Instagram account ng Cornerstone sa mang-aawit. Sinabi ni Mac Merla na pormal nang natapos ang kontrata ni Moira sa kanila ilang linggo na ang nakalipas. Naging maayos ang paghihiwalay ng Cornerstone at Moira matapos ang higit sampung taong pagsasama.

Napansin ng netizens na hindi na pina-follow nina Sam Milby, Yeng Constantino, Erik Santos, at iba pang Cornerstone artists si Moira Dela Torre sa Instagram. Lumutang ang isyung ito matapos ang ulat na tuluyan nang binitawan ng Cornerstone si Moira bilang talent dahil umano sa attitude problem. Maraming netizens ang nagbigay ng iba-ibang reaksyon, kabilang ang mga nagsasabing maaaring may valid na dahilan ang mga artist sa pag-unfollow kay Moira. Wala pang opisyal na pahayag sina Moira, Sam, at iba pang nabanggit na singers tungkol sa isyung ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate