Alden Richards, nagbahagi ng 'food for thought': "Mind your own business"
- Nagbahagi si Alden Richards ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram story na nagsasabing "Mind your own business"
- Matatandaang binunyag ni Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” na promo lamang umano ang isyu ng panliligaw ni Alden kay Kathryn ayon sa impormasyong kanyang natanggap
- Sinabi rin ni Ogie na may lihim na pag-uusap sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo upang ayusin ang kanilang sitwasyon ayon kay Cristy Fermin
- Hindi pa nagbibigay ng direktang pahayag si Alden tungkol sa usapin ngunit sinabi niyang naging mas komportable sila ni Kathryn matapos ang kanilang pelikulang Hello, Love, Again
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patuloy pa ring usap-usapan sa mundo ng showbiz ang diumano’y panliligaw ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo, lalo na matapos ang pahayag ng showbiz insider na si Ogie Diaz. Ngunit tila may pasaring si Alden sa kanyang Instagram story noong Pebrero 8, kung saan ibinahagi niya ang isang makahulugang mensahe:

Read also
Mommy Min Bernardo, may paalala sa fans ni Kathryn: “Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news”

Source: Instagram
"Food for thought: Mind your own business..."
Dahil dito, marami ang nagtanong kung ito ba ay tugon sa patuloy na espekulasyon tungkol sa relasyon nila ni Kathryn.

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hanggang ngayon, nananatiling pribado si Alden tungkol sa isyung ito at walang direktang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kanya. Ang tanging sinabi niya noon ay naging mas komportable sila ni Kathryn sa isa’t isa matapos ang kanilang muling pagtatambal sa pelikulang Hello, Love, Again.
Dahil dito, patuloy na naghihintay ang publiko sa anumang pahayag mula mismo sa mga sangkot upang tuldukan na ang mga haka-haka. Ngunit sa kabila ng ingay sa social media at mga showbiz talk shows, tila ipinaalala ni Alden sa lahat na mas mabuting pagtuunan na lamang ng pansin ang kani-kaniyang buhay.
Sa kanyang pinakabagong episode ng “Showbiz Updates,” ibinahagi ni Ogie Diaz ang natanggap niyang impormasyon tungkol sa diumano'y namumuong relasyon nina Alden at Kathryn. Aniya, marami pa rin ang nagtatanong sa kanya kung may katotohanan ang mga balitang nanliligaw si Alden kay Kathryn o kung ito'y bahagi lamang ng promo.
"Ang sabi sa akin, promo lang. Hindi totoo. Well, si Ate Cristy Fermin nga, sinabi sa 'Showbiz Now Na' na may lihim na pag-uusap sina Daniel Padilla at Kathryn para ayusin kung ano man 'yon," pagbubunyag ni Ogie.
Dahil dito, muling nabuhay ang tanong kung nagkakaayos na ba sina Daniel at Kathryn, lalo na’t may mga ulat na ilang beses na umanong nakita ang sasakyan ni Daniel na umiikot malapit sa bahay ni Kathryn.
Si Alden Richards (Richard Reyes Faulkerson Jr.) ay isang sikat na aktor, host, at recording artist sa Pilipinas. Kilala siya bilang "Asia's Multimedia Star" dahil sa kanyang matagumpay na career sa telebisyon, pelikula, at musika.
Naging tanyag siya sa tambalan nila ni Maine Mendoza bilang AlDub sa noontime show na Eat Bulaga! at nagbida sa iba’t ibang teleserye at pelikula tulad ng Destined to be Yours at Hello, Love, Goodbye kasama si Kathryn Bernardo, na naging highest-grossing Filipino film sa takilya noon.
sang masayang palitan ng mga salita ang naganap sa social media matapos na magkomento si Alden Richards sa post ni Robi Domingo. Sa naturang post ni Robi, ipinakita niya ang ilang video clips mula sa pag-host ni Alden kamakailan sa MUPH 2024.
Nagpaabot ng pagbati si Karla Estrada sa tagumpay ng pelikulang “Hello, Love Again”, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Sa panayam, sinabi ni Karla na labis ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng pelikula, na umabot na sa bilyong piso ang kita.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh