Katrina Halili, binalikan ang panenermon sa kanya ni Douglas Nierras sa ‘Starstruck’

Katrina Halili, binalikan ang panenermon sa kanya ni Douglas Nierras sa ‘Starstruck’

- Nagsalita na si Katrina Halili tungkol sa panenermon sa kanya noon ni Douglas Nierras sa Starstruck dahil umano sa kanyang kaartehan

- Sinabi niyang takot ang kanyang nararamdaman noon at malapit na siyang maiyak kaya nagmukha siyang nag-iinarte

- Ipinaliwanag niyang hindi niya alam ang gagawin dahil biglaan ang kanyang pagkakapili sa Starstruck habang kumakain sa isang restaurant

- Nilinaw niyang hindi siya dancer o singer kaya nahirapan siya sa mga pagsubok sa kompetisyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagsalita na ang aktres na si Katrina Halili kaugnay sa matinding panenermon sa kanya noon ni Douglas Nierras sa reality talent show na Starstruck dahil umano sa kanyang kaartehan.

Katrina Halili, binalikan ang panenermon sa kanya ni Douglas Nierras sa ‘Starstruck’
Katrina Halili, binalikan ang panenermon sa kanya ni Douglas Nierras sa ‘Starstruck’ (📷@katrina_halili/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang lumang video na muling nag-viral, makikita ang tila pagkainis ni Nierras matapos sitahin si Katrina, kung saan sinabi pa nito, "Kahit naman po ako 'yung maging teacher ni Katrina Halili, talagang mamumura ko na rin po talaga."

Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Katrina na hindi kaartehan ang kanyang naging reaksyon kundi takot. Aniya, malapit na siyang maiyak noon, ngunit dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha, nagmukha siyang nag-iinarte.

Read also

Toni Fowler, may paglilinaw tungkol sa nangyaring 'pambabastos' sa performance ng kasamahan

Biro pa niya, kaya siguro siya tumagal sa mga pagganap bilang kontrabida dahil mukha siyang mataray.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paliwanag pa niya, hindi niya talaga alam ang kanyang gagawin sa kompetisyon, lalo na’t biglaan ang naging pagkakapili sa kanya sa Starstruck. Sinabihan lang daw siyang pasok na siya sa Starstruck habang kumakain siya sa isang restaurant hindi kagaya ng karamihan sa kasali doon na dumaan talaga sa pag-audition.

Aniya, "Hindi naman po ako dancer, hindi rin ako singer," kaya mahirap para sa kanya ang mga pagsubok sa show.

Sa kabila ng matinding kritisismo na natanggap niya noon, pinatunayan ni Katrina na may puwang siya sa industriya at naging isa sa mga pinakatanyag na aktres ng kanyang henerasyon.

Si Katrina Halili ay isang Filipina actress at model na sumikat matapos maging bahagi ng reality talent show na StarStruck ng GMA Network noong 2003. Kilala siya sa pagganap bilang kontrabida sa iba't ibang teleserye gaya ng Marimar, Darna, at Majika. Bukod sa pagiging aktres, naging tanyag din siya bilang isa sa mga pinakasexy na celebrities sa Pilipinas, na ilang beses na napabilang sa FHM Philippines' S3xiest Women. Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, dumaan siya sa ilang kontrobersiya ngunit patuloy na aktibo sa industriya ng showbiz.

Read also

Carlos Agassi, aminadong, na-depress sa tinanggap na pambabatikos

Binahagi ni Katrina Halili ang reaksiyon ng anak niyang si Katie sa kanyang pagiging stage mommy. Makikita sa video na sinasabayan ni Katrina ang sayaw ng anak para magaya siya nito. Gayunpaman, tila hindi ito kinatuwa ng anak at nakasimangot kaya tumigil na lamang si Katrina . Pabiro namang tinanong ni Katrina na kung bakit kaya hindi natuwa ang anak at marahil daw ay mali ang kanyang steps sa sayaw.

Samantala, binahagi ni Kris Lawrence ang isang video kung saan makikitang parehas silang dumalo ni Katrina Halili sa isang event kung saan kumanta ang anak nilang si Katie. Hindi man sila nagkatuluyan ay maayos ang co-parenting setup nina Kris at Katrina na kapwa supportive sa anak nila. Makikita si Kris na proud na kumukuha ng video habang kumakanta ang anak. Si Katrina naman ay may hawak ding mikropono at sinasabayan si Katie para magabayan ito sa kanyang kanta.

Read also

TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate