TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya"

TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya"

- Inihayag ni TJ Monterde sa panayam ni Toni Gonzaga na hindi siya kailanman nakaramdam ng insecurity sa tagumpay ng kanyang asawang si KZ Tandingan

- Sinabi niyang laging binibigyan siya ng katiyakan ni KZ na hindi niya ito kailangang umasa sa kanyang career at pinapalakas nito ang kanyang loob

- Inamin niyang dumaan siya sa punto ng panghihina ng loob noong 2022 nang hindi masyadong tinangkilik ang kanyang mga inilabas na kanta

- Ibinahagi niyang patuloy siyang hinikayat ni KZ na huwag sumuko at maniwala sa kanyang talento dahil darating ang panahon ng kanyang tagumpay

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay TJ Monterde sa pinakabagong episode ng Toni Talks, inihayag ng singer na hindi siya kailanman nakaramdam ng insecurity sa kasikatan ng kanyang asawang si KZ Tandingan.

TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya"
TJ Monterde, hindi na-isecure sa naging tagumpay ni KZ: "Grabe 'yung assurance niya" (📷Toni Gonzaga Studio and @tjmusicmonterde/Instagram)
Source: Youtube

Ayon kay TJ, malaki ang naitulong ng suporta at pagmamahal ni KZ upang manatili siyang kumpiyansa sa kanyang sarili. "'Yung insecurity hindi ko siya naramdaman because of how my wife handles it. Grabe 'yung assurance niya sa akin na ‘Hindi mo ako kailangan [sa career mo]’," pagbabahagi niya.

Read also

Kris Aquino, binahaging siya ay single: "No boyfriend so clearly no fiancé"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inamin niyang dumaan siya sa panahon ng panghihina ng loob noong 2022, lalo na’t tila walang pumapansin sa kanyang mga inilalabas na kanta. “Sabi ko, ‘OK, mag-aral na lang ako ng coffee business.’ Nu’ng time na ‘yun, gusto ko na i-give up ang music,” aniya.

Dagdag pa niya, dumating siya sa puntong naramdaman niyang maliit ang kanyang naiaambag sa kanilang tahanan, lalo na nang bumili sila ng bahay. “Ako ‘yung lalaki, so ako dapat ‘yung provider. Sabi ko, ‘Lord, hanggang dito na lang ba ako? Hanggang tubig, kuryente na lang ba ang kaya ko ibigay?’”

Ngunit sa kabila nito, pinatatag siya ng kanyang asawa at pinalakas ang kanyang loob. “Sabi niya sa’kin, ‘Ano ka ba? Darating din ‘yung time! Excited na nga ako, e! Kasi alam ko sa future ibibili mo ako ng bag,’” kuwento ni TJ, na natutuwang alalahanin kung paano siya pinapalakas ng loob ni KZ.

Read also

Kris Aquino, may panibagong autoimmune disease; aminadong hindi pa 'fit to work'

Ayon kay TJ, patuloy siyang hinikayat ni KZ na huwag sumuko at maniwala sa kanyang talento. “‘Darating ‘yung time, darating ‘yung time, ikaw na ‘yon!’ Lagi niya akong sinasabihan ng ganyan,” aniya.

Sa ngayon, patuloy na lumalago ang karera ni TJ Monterde habang patuloy din nilang pinapatibay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Si KZ Tandingan o Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan-Monterde sa tunay na buhay ay kinilala sa bansag na Asia's Soul Supreme. Sumikat siya sa mundo ng showbiz matapos niyang manalo sa The X Factor Philippines noong 2012. Tinanghal din siyang Best New Artist sa Aliw Awards sa parehas na taon.

Kamakailan ay kinumpirma nina KZ at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang music video na ikinasal na sila. Taong 2019 nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement.

Si KZ ang napiling mang-aawit para kantahin ang isang Disney track na nasa wikang Filipino. Sa kanyang social media post ay ibinahagi ni KZ ang kanyang kagalakan sa pagkakapili sa kanya. Kakantahin niya ang awiting "Gabay" mula sa pelikulang Raya and the Last Dragon na gawa ng Disney. Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga netizens at mula sa kasamahan ni KZ sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: