Kris Aquino, binahaging siya ay single: "No boyfriend so clearly no fiancé"
- Ibinahagi ni Kris Aquino na siya ay single na muli at wala siyang boyfriend o fiancé
- Nilinaw niyang hindi siya nagbigay ng detalye noon tungkol sa kanyang relasyon kaya wala rin siyang planong magpaliwanag ngayon
- Matatandaang inamin niya noong Hunyo 2024 sa isang panayam ni Ogie Diaz na siya ay may bagong karelasyon
- Lumabas ang mga espekulasyon na siya ay ikinasal sa isang doktor ngunit itinanggi niya ito sa pamamagitan ng mamamahayag na si Dindo Balares
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Bukod sa kanyang kalagayan sa kalusugan, ibinahagi rin ni Kris Aquino ang estado ng kanyang puso sa kanyang pinakabagong Instagram post noong Sabado, Pebrero 22.

Source: Instagram
Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, diretsahang sinabi ni Kris na siya ay single na muli. “I've always been honest with all of you, for some time now I have been single, no boyfriend so clearly no fiancé,” aniya. Dagdag pa niya, hindi siya nagbigay ng detalye noong sila ay magkasama, kaya wala ring dahilan upang magpaliwanag ngayon. “Thank you for your love and concern,” dagdag pa niya.
Matatandaang noong Hunyo 2024, inamin ni Kris na mayroon siyang bagong karelasyon nang kapanayamin siya ni Ogie Diaz sa vlog na Ogie Diaz Inspires. Ilang buwan matapos nito, lumutang ang mga espekulasyon na siya ay ikinasal sa isang doktor, subalit itinanggi niya ito sa pamamagitan ng kanyang malapit na kaibigang mamamahayag na si Dindo Balares.
Sa kabila ng mga haka-haka, malinaw na ipinahayag ni Kris na siya ay kasalukuyang walang karelasyon at mas nakatuon sa kanyang kalusugan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa naturang post din binahagi ni Kris Aquino na hindi pa siya maaaring bumalik sa trabaho dahil sa labis na pagbagsak ng kanyang timbang at patuloy na pagkakasakit. Nadagdagan pa ang kanyang autoimmune diseases matapos siyang ma-diagnose ng Fibromyalgia, ang ikapito niyang sakit, na nagdudulot ng matinding pananakit ng katawan at matinding pagkapagod.
Inilahad din niya na mayroon siyang mga sintomas na maaaring kumpirmasyon ng Polymyositis at Mixed Connective Tissue Disease, na maaaring umabot na sa siyam ang kanyang autoimmune diseases.
Si Kris Aquino ay isang Pilipinang aktres, TV host, producer, at negosyante na kilala bilang “Queen of All Media” dahil sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon, pelikula, at social media.
Siya ay anak ng dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino, at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino. Bukod sa pagiging isang showbiz personality, kilala rin siya sa kaniyang pagiging prangka, matulungin, at mapagbigay, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa kasalukuyan, si Kris ay nakikipaglaban sa ilang malubhang autoimmune diseases, ngunit patuloy pa rin siyang nagbibigay ng update sa kaniyang kalagayan sa social media at tumutulong sa kapwa sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.
Hindi napigilan ni Darla Sauler, ang TV writer at matalik na kaibigan ni Kris Aquino, ang kanyang reaksyon nang makita ang namagang paa ng Queen of All Media. Binisita ni Darla si Kris sa kanyang tahanan, kung saan makikita sa Instagram ang larawan nila ni Kris kasama si Bimby, na nakaakbay pa kay Darla.
Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin naman niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh