Jojo Mendrez, nagsalita tungkol sa intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras

Jojo Mendrez, nagsalita tungkol sa intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras

- Pinabulaanan ni Jojo Mendrez ang mga espekulasyon tungkol sa kaniyang pagkikita kay Mark Herras sa Okada

- Ipinaliwanag niyang nagkataon lamang ang kanilang pagkikita at walang malisya ang kumalat na video clip nila

- Sinabi niyang layunin lang nilang kunan ng video reaction si Mark ngunit hindi ito natuloy dahil sa panghuhusga ng netizens

- Napagdesisyunan ng kanilang management na huwag nang ilabas ang video upang maiwasan ang mas malaking intriga

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Tuluyan nang sinagot ni “Revival King” Jojo Mendrez ang mga espekulasyon tungkol sa kaniya at sa actor-dancer na si Mark Herras, matapos itong pag-usapan sa social media.

Jojo Mendrez, nagsalita tungkol sa intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras
Jojo Mendrez, nagsalita tungkol sa intriga tungkol sa kanila ni Mark Herras (Photos: Screenshots from Showbiz Updates/YouTube)
Source: Youtube

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Pebrero 15, iginiit ni Jojo na walang malisya ang kanilang pagkikita sa Okada.

“Hindi totoo ‘yong tsismis. Wala ‘yong malisya. Kasi nagkaroon lang ng collaboration sa Okada. [...] ‘Yong manager ko do’n naka-check in, nagkataon,” paliwanag ng singer.

Ayon pa sa kaniya, layunin lamang nilang kunan ng video reaction si Mark sa isang Starbucks branch, ngunit dahil sa dami ng tao, minabuti nilang gawin ito sa isang kwarto sa Okada.

Read also

Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Kukunan sana siya ng video reaction sa Starbucks, e, maraming tao. Kaya sabi ng manager ko, do’n na lang sa room. Do’n kami nakunan no’ng naglalakad kami,” dagdag ni Jojo.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng isyu, napagdesisyunan ng kanilang management na huwag nang ipalabas ang naturang video upang maiwasan ang mas matinding panghuhusga mula sa publiko.

“Tuloy-tuloy ‘yong isyu, nag-judge na lahat ng mga tao. Hindi mo na ma-explain. So, siyempre ‘pag nilabas mo ‘yon lalong magkakaroon pa ng intriga,” ani Jojo.

Matatandaang nagsimula ang usap-usapan nang ibahagi ni Xian Gaza, na kilala bilang “Pambansang Marites,” ang isang video clip nina Mark at Jojo na magkasamang namataan sa Okada.

Si Mark Herras ay isang Pilipinong aktor, dancer, at television personality na unang nakilala bilang Ultimate Male Survivor ng unang season ng reality talent show na StarStruck noong 2003.

Bilang isang artista, lumabas siya sa iba’t ibang teleserye at pelikula, kadalasang gumaganap bilang leading man o kontrabida. Kilala rin siya bilang mahusay na dancer, kaya tinagurian siyang “Bad Boy of the Dance Floor.”

Read also

Gloria Diaz, may payo tungkol sa pera: “Don’t lend money you can’t afford to lose"

Bukod sa kaniyang career sa entertainment, naging laman din ng balita si Mark dahil sa personal niyang buhay, kabilang ang kaniyang relasyon, pagiging isang ama, at iba’t ibang isyung kinasangkutan niya sa showbiz.

Matapos ibahagi ni RR Enriquez ang tungkol sa kanyang saloobin hinggil sa isyung pagbanggit ni Lolit Solis ng tungkol sa pangungutang ni Mark Herras sa kanya, lalong naging usap-usapan ang isyu. Marami rin ang naghayag ng kanilang opinyon at bumatikos sa talent manager ni Mark. Kasunod nito ay isinapubliko ni Manay Lolit ang kanyang pagbibitiw bilang talent manager ni Mark.

Nag-react si Lolit Solis sa balitang nag-perform si Mark Herras sa isang gay bar sa Roxas Boulevard. Sinabi niyang naaawa siya dahil sa kasalukuyang estado ng karera ni Mark Herras. Iniulat na nagkaroon ng P500 door charge ang espesyal na pagtatanghal ni Mark sa Apollo Male Entertainment. Hinimok ni Lolit si Mark na tanungin ang sarili kung tama pa bang gawin ang ganoong klaseng trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate