Derek Ramsay kung bakit agad pinakasalan si Ellen: "Wala akong mahanap na doubt"

Derek Ramsay kung bakit agad pinakasalan si Ellen: "Wala akong mahanap na doubt"

- Ibinahagi nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa panayam ni Karen Davila ang mabilis nilang pagmamahalan at desisyong magpakasal

- Sinabi ni Ellen na nagkakilala sila noong Enero, naging magkasintahan noong Pebrero, at nagpakasal noong Marso

- Inamin ni Derek na wala siyang pagdududa kay Ellen at ito ang dahilan kung bakit agad siyang nagdesisyong pakasalan ito

- Pinatunayan ni Derek na hindi pera ang habol ni Ellen at ang tiwala niya rito ang naging pundasyon ng kanilang matibay na relasyon

Sa isang eksklusibong panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mabilis ngunit matibay nilang pagmamahalan na nagbunsod sa kanilang pagpapakasal.

Derek Ramsay kung bakit agad pinakasalan si Ellen: "Wala akong mahanap na doubt"
Derek Ramsay kung bakit agad pinakasalan si Ellen: "Wala akong mahanap na doubt" (Screengrab: Karen Davila/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Ellen, “We met in January, got together in February, and got engaged in March. Ganun ka bilis!” na sinundan naman ni Derek ng paliwanag na may panahong napaisip siya kung kailangan pa ba nilang magpakasal. “May in-between pa dun na… We don’t need to get married. Okay na tayo sa ganito.”

Read also

Rufa Mae Quinto, may nakakaantig na mensahe para sa anak na si Athena

Ngunit ayon kay Ellen, hindi nagtagal ay nagpahayag na agad si Derek ng seryosong intensyon. “No, but like, after a week you told me, ‘I’m gonna marry you.’” Agad namang inamin ni Derek, “Yes, exactly—a week after I said, ‘I’m gonna marry you.’ Wala akong mahanap na doubt.”

Sa lahat ng nakaraang relasyon ni Derek, lagi raw may pagdududa. Ngunit kay Ellen, natagpuan niya ang katiyakan. “So when my mom told me, ‘We love Ellen, but why so fast?’ I said, ‘Mom, in my 40-something years, kailan ako lumapit sa’yo and told you that I’m going to marry this woman?’”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinanong naman ni Karen kung ano ang tunay niyang naramdaman tungkol kay Ellen, at malinaw ang naging sagot ng aktor. “There is no doubt. She is a great mom—check. She is beautiful—check. She is loving—check.”

Biniro pa siya ni Karen, “Alaskador—check,” na agad namang sinang-ayunan ni Derek.

Dagdag pa niya, “I know she is not after my money—check. She makes me laugh—check. But the most important thing is, I have no doubt. I have no doubt that she will not cheat on me. I have no doubt that she loves me. It’s just no doubt.”

Read also

Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories ay matatandaang sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate