Philmar Alipayo, nagbahagi ng video niyang sumasayaw; hindi pa sumasagot sa pahayg ni Derek Ramsay
- Nagbahagi si Philmar Alipayo ng video kung saan siya ay sumasayaw sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya
- Hindi pa siya nagbibigay ng tugon sa mga pahayag ni Derek Ramsay tungkol sa isyu na may kaugnayan sa kanya at kay Andi Eigenmann
- Ayon kay Derek, dapat linawin ni Philmar ang sitwasyon lalo na tungkol sa babaeng naiuugnay sa kanya na si Pernilla
- Sinabi rin ni Derek na dapat panagutan ni Philmar ang kanyang ginawa at ipakita ang respeto kay Pernilla
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagbahagi si Philmar Alipayo ng isang video sa kanyang Facebook account kung saan makikita siyang sumasayaw ng "APT." Sa nasabing video, maririnig din ang tawanan ng kanyang mga kasama habang siya ay sumasayaw. Ang naturang post ay lumabas sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.
Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag si Philmar kaugnay sa matapang na panawagan ni Derek Ramsay na nagtatanggol sa kaibigan niyang si Pernilla. Sa panayam kay Derek, ibinunyag niyang apektado na ang mental health ni Pernilla matapos masangkot sa isyu nina Andi Eigenmann at Philmar. Aniya, labis na naapektuhan maging ang kasintahan ni Pernilla dahil sa mga natanggap nilang banta.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang nag-ugat ang kontrobersiya matapos mapansin ng publiko ang post ni Andi tungkol sa bagong tattoo ni Philmar na kahawig ng kay Pernilla. Dahil dito, hinamon ni Derek si Philmar na "magpakalalaki" at linawin ang isyu upang matuldukan ang mga haka-haka ng publiko.
"For me, you should have not done that" "It's an irresponsible posting. Think before you act 'cause the repercussions are so big." "I wish Philmar will have the balls to be a man. Magpakalalaki ka!" hamon ni Derek kay Philmar.
Ayon kay Derek, hindi niya personal na kaaway sina Andi at Philmar, ngunit aniya, dapat sana'y inasikaso nila ito nang pribado. Dagdag pa niya, marapat lang na akuin ni Philmar ang kanyang naging pagkakamali upang maibalik ang respeto sa kanya ng mga taong naapektuhan ng isyu.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh