Dating child star na si Krystal Reyes, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend
- Ikinasal na ang dating Kapuso child star na si Krystal Reyes sa kanyang longtime non-showbiz partner na si Lawrence
- Bago ang kasal, nakatanggap siya ng surprise bridal shower mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan na ibinahagi niya sa isang vlog
- Umabot na sa 1.5 million views ang kanyang vlog tungkol sa bridal shower na nagpapakita ng suporta ng kanyang fans
- Bukod sa paghahanda sa kasal, abala rin si Krystal sa kanyang negosyo habang nananatiling aktibo sa social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naaalala niyo pa ba si Anghelita sa "Mga Mata ni Anghelita" noong 2007? Ang dating Kapuso child star na si Krystal Reyes, o Jolina Marie Reyes sa totoong buhay, ay ikinasal na sa edad na 28!
![Dating child star na si Krystal Reyes, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend Dating child star na si Krystal Reyes, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/562e829f31fe1c3d.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Sa kanyang Instagram stories ay makikita ang mga video clips at ilang pictures ng kasal ng dating Kapuso child star.
Bago ang kanyang pag-iisang dibdib sa kanyang longtime non-showbiz partner na si Lawrence, nakatanggap si Krystal ng isang sorpresa mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan—isang bonggang bridal shower. Sa kanyang vlog, masaya niyang ibinahagi ang nakakaaliw na preparasyon ng kanyang mga kaanak at kaibigan, kung saan siya mismo ang nagmaneho sa kanila nang hindi alam na may sorpresa pala siyang naghihintay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 1.5 million views ang kanyang vlog tungkol sa bridal shower, na patunay sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga.
Bukod sa kanyang wedding preparations, abala rin si Krystal sa kanyang negosyo. Matatandaang una siyang sumikat sa GMA drama series na Bakekang noong 2006 at naging bahagi rin ng Anna KareNina noong 2013 kasama ang iba pang Kapuso stars.
Isang bagong kabanata sa buhay ng dating child star ang nagsimula, at marami ang natutuwa sa kanyang tagumpay sa pag-ibig at buhay pamilya.
Si Krystal Reyes ay isang dating Kapuso child star na sumikat sa mundo ng showbiz noong mid-2000s. Ang kanyang tunay na pangalan ay Jolina Marie Bautista Reyes.
Pinakatanyag siyang nakilala bilang Anghelita sa 2007 GMA teleserye Mga Mata ni Anghelita, kung saan siya ang bida. Una siyang lumabas sa telebisyon bilang batang Kristal sa 2006 hit GMA drama series Bakekang, na pinagbidahan ni Sunshine Dizon.
Lumabas din siya sa iba pang Kapuso shows gaya ng Anna KareNina (2013), Munting Heredera (2011), at Princess Charming (2007). Maliban sa pag-arte, naging aktibo rin siya sa paggawa ng vlogs at social media content.
Marami ang lalong humanga sa pagiging madiskarte ng Kapuso actress na si Krystal Reyes. Kamakailan ay pinasok na rin nito ang pag-oonline selling at hindi nito ikinahiya ang pagsabak sa live selling. Iba't-ibang klaseng mga damit ang kanyang ibinibenta at maging siya ay sinusuot ang mga damit para ipakita ito sa mga customer. Mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel kagaya ng karamihan sa mga artista sa kasalukuyan.
Matatandaang isinapubliko niya ang tungkol sa pag-propose sa kanyang ng kanyang non-showbiz boyfriend. Naganap ang kanilang engagement sa Basco Lighthouse sa Basco, Batanes. Krystal Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend. Isang magarang setup habang palubog ang araw ang kanilang background habang makikitang nakaluhod ang kanyang boyfriend. Kalakip ng kanyang mga binahging pictures ay ang kanyang caption na tila sagot sa tanong ng boyfriend niya na 'Will You Marry me?"
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh