Derek, sinabi ang kalagayan ng babaeng naiuugnay kay Philmar: "Pati 'yung boyfriend nasasaktan na"

Derek, sinabi ang kalagayan ng babaeng naiuugnay kay Philmar: "Pati 'yung boyfriend nasasaktan na"

  • Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naglabas ng saloobin si Derek Ramsay sa isyu kamakailan nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann
  • Ito ay dahil sa kaibigan din umano ni Derek ang babaeng naiuugnay kay Philmar na si Pernilla
  • May mensahe si Derek kay Andi na aniya'y naging iresponsable 'di umano sa pag-post tungkol sa isyu ng partner nitong si Philmar Alipayo
  • Nabanggit din ni Derek na mayroong boyfriend si Pernilla na labis na ring naaapektuhan sa mga nangyari kamakailan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz patungkol sa isyu kamakailan nina Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar, nagbigay ng update si Derek sa kung ano na ngayon ang lagay ng babaeng naiuugnay kay Philmar na pawang kaibigan din niya.

Derek, sinabi ang kalagayan ng babaeng naiuugnay kay Philmar: "Pati 'yung boyfriend nasasaktan na"
Derek, sinabi ang kalagayan ng babaeng naiuugnay kay Philmar: "Pati 'yung boyfriend nasasaktan na" (Derek Ramsay)
Source: Facebook

Ayon kay Derek, apektado na rin ang mental health ng kaibigan niyang si Pernilla na hindi umano lumalabas sa takot ng kabi-kabilang banta matapos na masangkot sa isyu nina Philmar at Andi.Ayon kay Derek, apektado na rin ang mental health ng kaibigan niyang si Pernilla na hindi umano lumalabas sa takot ng kabi-kabilang banta matapos na masangkot sa isyu nina Philmar at Andi.

Read also

Derek, may maanghang na mensahe para kay Philmar: "Magpakalalaki ka!"

Matatandaang nag-ugat umano ang cryptic post ni Andi matapos na magpa-tattoo sina Pernilla at Philmar na parehong simbolo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Derek, mayroon umanong kasintahan si Pernilla na labis na ring naapektuhan lalo pa at ang pamilya nito ay nasa Siargao.

"She (Pernilla) is happily in a relationship," pagkumpirma ni Derek. Kaya naman sana'y isa rin umano ito sa linawin ni Philmar sa kabila ng pagkakaayos na muli nila ni Andi.

"Hindi ako okay. Kasi 'yung kaibigan ko na kaibigan mo rin, sinaktan mo hindi ka manlang mag-apologize... Why don't you have a decency and show some respect to Pernilla and clear her name?" ani Derek kay Philmar.

Hayagan ding nasabi ni Derek na sa nangyari, maaring ireklamo pa umano ni Pernilla sina Philmar at Andi.

Kaya naman may mensahe siya sa magkasintahan bilang depensa sa kanyang kaibigang nadadawit sa gulo sa kabila ng pag-ako rin nito ng kanyang pagkakamali.

Read also

Derek Ramsay kay Andi Eigenmann: "For me, you should have not done that"

"It's an irresponsible posting. Think before you act 'cause the repercussions are so big."

"I wish Philmar will have the balls to be a man. Magpakalalaki ka!" hamon ni Derek kay Philmar.

"I'm sorry Andi, what was your intent for this? 'Cause right now I'm believing it was to destroy Pern and hurt Pern," ang bahagi naman ng naging mensahe ni Derek para kay Andi.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil. Marami ang nagulat nang bigla na lamang niyang lisanin ang showbiz sa kasagsagan ng kanyang career at piniling mamuhay sa Siargao kasama ng partner na si Philmar Alipayo.

Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay

Kamakailan gumulantang sa publiko ang mga cryptic post ni Andi na sinasabing patungkol sa 'matching tattoo' nina Philmar ang matalik nitong kaibigan na pinaniniwalaang si Pernilla. HIndi nagtagal, nag-post si Philmar at sinabing okay na umano sila ni Andi at nagbahagi rin ng video ng kanilang family bonding.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica