Derek Ramsay kay Andi Eigenmann: "For me, you should have not done that"

Derek Ramsay kay Andi Eigenmann: "For me, you should have not done that"

  • Nakapanayam ni Ogie Diaz si Derek Ramsay patungkol sa isyu nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann
  • Kamakailan, nagpakilala si Derek bilang kaibigan ng babaeng naiuugnay kay Philmar na si 'Pernilla'
  • May mensahe si Derek kay Andi ngunit nilinaw na hindi niya umano ito aawayin
  • Gayunpaman, sinabi niyang 'iresponsable' umano ang pag-post na ito ng aktres lalo na at maaring makasira umano ito ng iba

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas na ng pahayag si Derek Ramsay sa katatapos lang halos na isyu nina Andi Eigenmann at partner nitong si Philmar Alipayo.

Andi and Philmar
Derek kay Andi: "For me, you should have not done that" (Andi Eigenmann)
Source: Facebook

Matatandaang matapos ang ilang araw na pag-post ni Andi ng umano'y nangyayari sa relasyon ni Philmar, kinumpirma nila ang pagtatapos nito sa pamamagitan ng video kung saan makikitang tila nasa family bonding na sila.

Ngunit sa kabila nito, inilahad ni Derek kung ano naman ang nangyayari sa babeng naiuugnay kay Philmar at kaibigan din niyang si Pernilla.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nabanggit ni Derek na hindi niya sinang-ayunan ang pag-post na ito ni Andi na para sa kanya'y iresponsable.

Read also

Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"For me, you should have not done that... Kung galit ka, naiintindihan ko yun. Nasa kultura ng Pilipino yun. Mali na nagpatattoo sila together. She's a foreigner. She didn't do it with intent to hurt Andi..." ang bahagi ng nasabi ni Philmar.

"Andi mali ka. Babae ka hindi kita aawayin.That was very irresponsible of you. Because you don't know how a post like that can really destroy somebody," pagpapatuloy pa niya.

Samantala, nabanggit din ni Derek ang kalagayan umano ngayon ni Pernilla na hindi halos makalabas sa tindi ng bashing na kanyang natatamo dahil sa isyu.

"Meanwhile this poor lady is hiding, afraid for her life because she's getting threats, for her family who's living abroad."

Nabanggit ni Derek na apektado na rin ang mental health ni Pernilla gayundin ang boyfriend nito na labis na ring naaapektuhan sa isyu.

"Pati yung boyfriend nasasaktan na. Kasi yung boyfriend taga Siargao, all his relatives are there. He's also worried for them."

Read also

RR Enriquez, may reaksyon sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube:

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Kamakailan gumulantang sa publiko ang mga cryptic post ni Andi na sinasabing patungkol sa 'matching tattoo' nina Philmar ang matalik nitong kaibigan na pinaniniwalaang si Pernilla. HIndi nagtagal, nag-post si Philmar at sinabing okay na umano sila ni Andi at nagbahagi rin ng video ng kanilang family bonding.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica