DJ Koo: "Some people pretend to be sad and walk around in the rain"
- Naglabas ng pahayag si DJ Koo tungkol sa kalungkutan at mga maling balitang kumakalat matapos pumanaw si Barbie Hsu
- Ayon kay DJ Koo, nagdulot ng sakit ang mga pekeng balita tungkol sa insurance at pera
- Matatandaang nag-viral ang video ni WangXiaofei, dating asawa ni Barbie na bumalik sa Taiwan matapos ang pagpanaw ng Taiwanese actress
- Ipinahayag ni WangXiaofei na "She will always be my family" at namataan din siyang naglalakad sa gitna ng ulan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng pahayag si Koo Jun-yup, asawa ni Barbie Hsu, kaugnay ng mga maling balita na kumakalat matapos ang pagpanaw ng kanyang asawang si Barbie. Ayon kay Koo Jun-yup na kilala din bilang si DJ Koo, "My angel went back to heaven on February 2, 2025.
Firstly, I would like to express my deepest gratitude to the many people who are mourning for Hee Won (Barbie Hsu). I'm going through a time of indescribable sorrow and pain where the windows are on the verge of falling the creator. I don't have the strength to say anything and I don't want to." Dagdag pa niya, "But before the time of great loss and grief was over, the devilish people began to sell the love of my family and mine."
Ipinaabot din ni Gu Junye ang kanyang galit at kalungkutan sa mga kumakalat na maling impormasyon, na nagdulot ng sakit sa kanilang pamilya. "Some people pretended to be miserable and ran around in the rain. Some people deliberately damaged our family's image and spread fake news about insurance and money, which caused us pain," pahayag ni Gu Junye.
At this time, I can't help but think, there are really such bad people in this world
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hiling niya rin na pagpahingahin na si Barbie.
Please don't do anything, just let our Hee-won rest in peace. I sincerely ask you.
Samantala, nag-viral ang isang video ng dating asawa ni Barbie Hsu, si WangXiaofei, na nagbalik sa Taiwan mula Thailand matapos marinig ang malungkot na balita ng kanyang ex-wife.
Dumating siya sa Taoyuan Airport noong Pebrero 3, kasama ang kanyang bagong asawa na si Mandy. Kitang-kita ang kalungkutan sa mukha ni WangXiaofei, at sa harap ng mga mamamahayag, nagsagawa siya ng isang simbolikong galang, sabay pakiusap na maging mahinahon ang media sa pagbabalita tungkol kay Barbie.
Nang tanungin tungkol sa posibilidad ng kanyang pagpunta sa Japan, umiling si WangXiaofei at hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag. "She will always be my family," aniya.
Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.
Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.
Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh