Update sa kalusugan ni Kris Aquino, binahagi ng malapit na kaibigan
- Muling nagbigay ng update si Dindo Balares tungkol sa kalagayan ng kanyang malapit na kaibigang si Kris Aquino at ibinahagi ang dalawang bagong larawan nito
- Ikinuwento ni Kris na muntik na siyang maaksidente sa banyo ngunit mabilis siyang nasagip ng kanyang anak na si Bimby
- Bagama’t hindi maganda ang resulta ng kanyang pinakabagong blood test, patuloy siyang lumalaban sa kabila ng matinding pananakit ng katawan
- Unti-unti na niyang nababawi ang kanyang lakas at nagpapasalamat siya sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga iniindang sakit, ngunit unti-unti na rin niyang nababawi ang kanyang lakas. Sa isang post ng kanyang malapit na kaibigan na si Dindo Balares, ibinahagi nito ang dalawang larawan ni Kris na nagpapakita ng kanyang kasalukuyang kondisyon.
Ayon kay Dindo, ipinadala ni Kris ang unang larawan noong Enero 25 at kinumpirma nitong nananatili pa rin ang allergens sa kanyang katawan. Gayunpaman, napansin niyang tila "glowing" si Kris, na agad naman nitong sinagot ng, "I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo."
Ipinadala naman ni Kris ang ikalawang larawan noong Linggo habang patuloy na nakararanas ng matinding pananakit ng katawan. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, hindi natitinag ang kanyang pananampalataya.
"Allergens still in my body," kuwento niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Praying hard na ma-flush out na lahat, Krisy," sabi ko. May pagbabago akong napansin, na agad kong sinabi. "You're glowing!!!"
"I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo," reply niya.
Samantala, noong Martes, ibinahagi ni Kris ang isang insidente kung saan nawalan siya ng balanse sa banyo at muntik nang tumama ang kanyang ulo sa marble wall. Ayon kay Kris, "Praise God when I shouted Bimb, he jumped from the bed and daig niya ang action stars kasi in less than five seconds, nandiyan na siya—na-prevent niya ang ulo ko na sumalpok sa pader. Bimb is my hero."
Bagaman hindi maganda ang kanyang pinakahuling blood test results, nananatili siyang matatag sa laban. Ikinatuwa naman ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta na mas mahaba at mas mahimbing na ang kanyang tulog nitong mga nakaraang linggo, na isang senyales ng unti-unting paggaling. Patuloy din ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng patuloy na nananalangin para sa kanyang kalusugan.
Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog. Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas. Pero dapat pa ring maghinay-hinay, lalo na sa paglalakad na walang nakaalalay.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh