Sandara Park, nagbigay-pugay kay Barbie Hsu: "We will always remember you"
- Nagpahayag ng pagluluksa si Sandara Park sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu, na gumanap bilang Shan Cai sa Meteor Garden
- Isang Pilipinong netizen ang nagbahagi ng video kung saan inaawit ni Sandara ang kantang "Ni Yao De Ai" sa Kaohsiung New Year's Eve Party noong Enero
- Sumagot si Sandara sa post at nagbigay ng maikling mensahe kung saan inamin niyang naimpluwensyahan siya ni Barbie simula nang magsimula ang kanyang karera
- Patuloy na bumuhos ang pakikiramay mula sa mga tagahanga at kapwa artista bilang paggunita sa kontribusyon ni Barbie Hsu sa industriya ng entertainment
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pakikiramay si Sandara Park sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu, na nakilala bilang Shan Cai sa sikat na seryeng Meteor Garden.
Sa X (dating Twitter), isang Pilipinong netizen ang nagbahagi ng video kung saan inaawit ni Sandara ang kantang "Ni Yao De Ai," ang official soundtrack ng Meteor Garden, sa Kaohsiung New Year's Eve Party noong Enero. Bilang tugon, nag-iwan ang South Korean-based singer ng isang maikli ngunit taos-pusong mensahe para sa yumaong aktres.
"Rest in peace Barbie Hsu. I got influenced by you since when I started my career. We will always remember you," ani Sandara.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Barbie ay gumanap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, na nagpakita ng buhay ng isang ordinaryong estudyante sa isang paaralan ng mayayaman, kung saan nakilala niya ang apat na miyembro ng F4—sina Dao Ming Si (Jerry Yan), Xi Men (Ken Chu), Mei Zuo (Vanness Wu), at Hua Ze Lei (Vic Chou).
Bukod kay Sandara, nagbigay din ng tributo kay Barbie ang kanyang dating mga co-star na sina Jerry Yan, Ken Chu, at Rainie Yang, pati na rin ang My Ilonggo Girl star na si Yasser Marta, na kumanta ng Tagalog version ng isa sa mga soundtrack ng serye.
Pumanaw si Barbie Hsu noong Lunes sa edad na 48 dahil sa pneumonia. Iniwan niya ang kanyang asawang si DJ Koo at ang dalawa niyang anak mula sa kanyang dating asawa na si WangXiao Fei, na kanyang hiniwalayan noong 2021
Si Barbie Hsu ay kinilala sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ang Taiwanese adaptation ng Boys Over Flowers, na naging isang global phenomenon noong early 2000s. Maraming Pilipino ang lumaki at nahumaling sa serye, kaya’t ang pag-awit ni Josh Santana ng Tagalog na bersyon ng kanta ay nagdulot ng emosyonal na pagkakaisa sa mga tagahanga ng yumaong aktres.
Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.
Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie..
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh