Contract signing ng GMA at ABS-CBN para sa “Pinoy Big Brother,” ginanap sa Bahay ni Kuya
- Nagkaroon ng contract signing ang GMA Network at ABS-CBN sa Bahay ni Kuya para sa “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab”
- Dumalo sa pirmahan ang mga opisyal ng dalawang network kabilang sina GMA President Gilberto Duavit Jr. at ABS-CBN President Carlo L. Katigbak
- Tampok sa edisyong ito ang pagsasama ng Sparkle at Star Magic artists bilang mga housemates
- Ipapalabas ang “Pinoy Big Brother” sa GMA Network sa unang pagkakataon bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo nito sa 2025
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang makasaysayang contract signing ang ginanap sa Bahay ni Kuya noong Martes, kung saan pormal na nagkasundo ang GMA Network at ABS-CBN para sa nalalapit na “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.”
Dumalo sa pirmahan ang mga pangunahing opisyal mula sa parehong network, kabilang sina GMA President at CEO Gilberto Duavit Jr., GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Executive Committee Chairman Joel Jimenez, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President at CEO Carlo L. Katigbak, at ABS-CBN COO for Broadcast Ma. Socorro Vidanes.
Ang edisyong ito ng “Pinoy Big Brother” ay magtatampok ng mga artista mula sa Sparkle ng GMA at Star Magic ng ABS-CBN bilang housemates. Ayon kay Atty. Gozon-Valdes, “Pinoy Big Brother is a cultural phenomenon. It celebrates real, no-filter life stories and serves as a launchpad for dreams. Abangan n’yo ang pagsasama ng mga Kapuso at Kapamilya housemates sa teleserye ng totoong buhay.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipapalabas ang PBB sa GMA Network bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng programa sa 2025. Ang proyektong ito ay patunay ng pagsasanib-puwersa ng dalawang higanteng network upang maghatid ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Pilipino.
Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay isang reality TV show sa Pilipinas na ibinase sa international franchise na Big Brother. Sa palabas na ito, isang grupo ng mga housemates ang kinukulong sa loob ng isang bahay na tinatawag na Bahay ni Kuya at minomonitor 24/7 gamit ang mga camera. Wala silang komunikasyon sa labas, at sumasailalim sila sa iba't ibang tasks at challenges na iniutos ni "Kuya," ang misteryosong boses na gumagabay sa kanila.
Sa naunang ulat ng KAMI, ang mga housemate ng Pinoy Big Brother ay inutusan ni 'Kuya' na "lisanin" ang bahay "kaagad-agad." Nangyari ito sa episode ng PBB Gen 11 noong Setyembre 30, 2024.
Ang bawat housemate ng Pinoy Big Brother ay nakatanggap ng ₱10,000 mula kay "Kuya" Ang perang ito ay maaaring ma-convert sa aktwal na salapi na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga kapwa housemate. Matapos matanggap ang ₱10,000, bawat housemate ay nag-isip nang mabuti tungkol sa malaking halagang kanilang natanggap.
Source: KAMI.com.gh