Dawn Chang, nagsalita tungkol sa nakaalitang artista
- Inamin ni Dawn Chang na nagkaroon siya ng alitan sa isang kapwa artista
- Ikinuwento niya na inagawan siya ng posisyon sa dance steps habang nagre-rehearse
- Nilinaw niya na pinagtanggol lamang niya ang sarili laban sa maling paratang
- Biniro siya ni Anjo Yllana na si Cristy Fermin ang tinutukoy ngunit itinanggi ito ni Dawn
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang candid na panayam sa isang talk show, ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Dawn Chang ang tungkol sa isang kontrobersiyal na alitan niya noon sa isang kapwa artista. Sa tanong ni Stanley Chi kung may nakaaway na ba siyang artista, sagot ni Dawn, "Meron ba? Wala ako maalala ahhh, meron isa lang, pero pinagtanggol ko lang sarili ko ah."
Ayon kay Dawn, nag-ugat ang sigalot habang nagre-rehearse sila ng isang dance routine. Aniya, “Etong si girl, nagrerehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps, tapos inaway ako. Nagpa-interview pa, ako daw nang away.”
Naging mas masaya ang usapan nang magbiro si Anjo Yllana, "Si Cristy Fermin ba yan? Hahaha." Agad naman itong sinagot ni Dawn nang may halong tawa, "Hindi no, pero ka-initials niya haha, at meron na siyang sinabunutan dati."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi na nagbigay ng pangalan si Dawn, ngunit tila may ideya ang mga tagahanga kung sino ang tinutukoy niya. Sa kabila ng lahat, nanindigan si Dawn na ginawa lang niya ang tama at ipinagtanggol ang sarili laban sa maling paratang.
Si Dawn Chang ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.” Naging TV host din siya at naging bahagi ng ilang TV shows.
Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang reaksiyon kaugnay sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga sa isang tao na umano'y isa sa mga naging daan sa pagpapasara ng ABS-CBN. Kasunod nito ay nagbigay din ng reaksiyon si Cristy Fermin kaugnay dito sa pamamagitan ng kanyang programa. Gayunpaman, pinalagan ng kampo ni Dawn ang umano'y malisyosong komento ni Cristy.
Hindi inatrasan ni Dawn Chang ang mga negatibong komento ng ilang netizens sa kanya. Sunod-sunod ang tweet ni Dawn upang sagutin ang mga mensahe at komento sa kanya.
Source: KAMI.com.gh