Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP

Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP

  • Ibinahagi ni Darryl Yap sa Facebook ang hirap na dinanas sa paggawa ng pelikulang TROPP
  • Kabilang sa mga hamon ang pag-pull out ng mga distributors, pagbawi ng permiso sa mga awit, at iba pang reklamo
  • Natapos nila ang pelikula sa kabila ng kakulangan sa pera at koneksyon ngunit puno ng tapang at paninindigan
  • Hinikayat niya ang mga Pilipino na abangan ang TROPP, na naglalaman ng "Hubad na Katotohanan"

Sa isang emosyonal na post sa Facebook, ibinahagi ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang masalimuot na proseso ng paggawa ng kanyang pelikula, TROPP. Ayon sa kanya, hindi naging madali ang kanilang paglalakbay dahil sa iba't ibang hamon tulad ng pag-pull out ng mga distributors, pagbawi ng mga permiso para sa paggamit ng mga awit, at pagharap sa mga reklamo.

Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP
Darryl Yap, binahaging tapos na nilang gawin ang TROPP (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Sa kabila ng mga pagsubok, natapos ng kanyang koponan ang pelikula, at lubos ang pasasalamat ni Darryl sa mga musikero na tumulong upang magkaroon ng isang all-original soundtrack ang TROPP. Sinabi niya, “Hindi ko ito makakalimutan,” bilang pasasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanilang proyekto.

Read also

14 Anyos na natagpuang patay sa tabi ng ilog, kumpirmadong pinagsamantalahan

Inamin din ni Darryl na bagamat kapos sila sa pera at koneksyon, hindi naman umano sila nawalan ng tapang at paninindigan. Pinasalamatan niya ang mga taong patuloy na nagpapahayag ng suporta at paniniwala sa kanilang adbokasiya, na aniya’y “nakaukit na sa aming puso.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natapos na umano ang pelikula at handa na itong ipasa para sa review. Hinikayat ni Darryl ang mga Pilipino na abangan ang TROPP, na naglalayong ipakita ang “Hubad na Katotohanan.”

amantala, patuloy namang hinihikayat ni Darryl Yap ang mga manonood na suportahan ang kanyang proyekto, na aniya’y hindi lamang isang simpleng pelikula, kundi isang paraan upang maibahagi ang aniya'y totoong nangyari kay Pepsi.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Read also

VinCentiments ni Darryl Yap, naglabas ng bagong trailer para sa pelikula tungkol kay Pepsi Paloma

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate