Rufa Mae, sa relasyon nila ng mister: "hindi na nga rin ako nag-text e,baka ma-screenshot ulit"

Rufa Mae, sa relasyon nila ng mister: "hindi na nga rin ako nag-text e,baka ma-screenshot ulit"

  • Nagbigay detalye si Rufa Mae Quinto sa estado ng relasyon nilang mag-asawa
  • Aniya, marami siyang katanungan ngunit hindi na umano siya naglalakas loob na usisain pa
  • Nagawa pa nitong magbiro na hindi na niya muli ito na-text sa dahilang baka ma-screenshot muli siya
  • Matatandaang sa kasagsagan ng isyu ng kasong kinaharap ni Rufa Mae at ini-endorsong clinic, gumulantang sa publiko ang post ng kanyang mister sa kanilang relasyon

Isa sa napag-usapan nina Ogie Diaz sa panayam niya kay Rufa Mae Quinto ay tungkol sa estado ng relasyon niya sa mister na si Trevor Magallanes.

Rufa Mae, sa relasyon nila ng mister: "hindi na nga rin ako nag-text e,baka ma-screenshot ulit"
Rufa Mae, sa relasyon nila ng mister: "hindi na nga rin ako nag-text e,baka ma-screenshot ulit" (Rufa Mae Quinto Magallanes)
Source: Facebook

Ayon kay Rufa Mae, maging siya ay marami pa ring katanungan sa mister bakit bigla na lang nitong nais makipaghiwalay sa kanya.Ayon kay Rufa Mae, maging siya ay marami pa ring katanungan sa mister bakit bigla na lang nitong nais makipaghiwalay sa kanya.

"Ewan ko kung ano na talaga. Basta sabi niya ayaw na niya. Kaya nga marami din akong tanong, hindi ko rin alam ang sagot or wala na rin talagang sagot,"

Read also

Nina, hindi bukas na makatrabahong muli ang ex: 'Hindi kami okay"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ko nga alam kasi hindi na nga rin ako nag-text e kasi baka ma-screenshot uli," natatawang nasabi ni Rufa Mae.

Matatandaang kalakip ng mga screenshots ng conversation nilang mag-asawa ang post ng mister na nagsasabing nais na nitong tapusin ang ugnayan sa komedyante.

Kaugnay nito, nabanggit ni Rufa Mae ang ilang posibleng dahilan bakit biglang ganoon na lamang ang naramdaman ng mister sa kanya. Isa na rito ang madalas niyang pagpunta ng Pilipinas para sa trabaho na ipinagpapaalam naman niya umano kay Trevor at pinapayagan naman daw siya nito.

Gayunpaman, nilinaw din ni Rufa Mae na kahit ganoon na ang takbo ng kanilang relasyon, malapit pa rin si trevor sa kanilang anak na si Athena.

"Wala akong pinagsisisihan. We still the best, you know. May mga bagay lang talaga na hindi perfect. Pero masaya ako dahil nand'yan pa naman siya. Mabait siya sa anak namin, mahal na mahal niya."

Read also

Rufa Mae, naikwentong nahimatay siya sa US; ipinakita ang nangyari sa kanyang mukha

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Kamakailan ay nasangkot sa kontrobersiya si Rufa Mae kung saan tulad ni Neri Miranda ay nakasuhan kaugnay sa umano'y investment scam ng Dermcare. Sinasabing Fourteen counts ng estafa ang naisampa kay Rufa Mae na agad na hinarap sa kanyang kaso pagbalik na pagbalik niya sa Pilipinas.

Halos kasabay din nito ang isa pang kontrobersiyang kinaharap ni Rufa Mae matapos na umano'y maaresto ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes Sa Hawaii. Wala mang nailabas na opisyal na pahayag ang dalawa ukol dito subalit may epekto pa rin ito lalo na sa kabi-kabilang pinagdaraanan ng aktres sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica