BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’

BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’

  • Matinding lungkot ang nararamdaman ni BB Gandanghari dahil sa lumalalang kalagayan ng kanyang inang si Eva Cariño
  • Bumalik si BB sa Pilipinas mula Amerika noong Setyembre upang alagaan ang kanyang ina at ipagdiwang ang kanyang kaarawan
  • Sinorpresa niya ang kanilang ina, ngunit masakit para sa kanya na hindi na siya nakikilala nito sa ilang pagkakataon
  • Ibinida niya ang katatagan ng kanilang ina na tumayong parehong nanay at tatay para sa kanilang magkakapatid

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nakaramdam ng matinding sakit at kalungkutan ang proud transwoman na si BB Gandanghari dahil sa lumalalang kalagayan ng kanyang inang si Eva Cariño. Ibinahagi ni BB na may mga pagkakataong hindi na siya nakikilala ng kanyang ina dahil sa pagtanda nito, isang sitwasyong hindi niya inakalang mararanasan ng kanilang pamilya.

BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’
BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’ (@gandangharibb/Instagram)
Source: Instagram

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ni BB na bumalik siya sa Pilipinas noong Setyembre mula sa Amerika upang makasama ang kanyang ina at ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Read also

Rufa Mae Quinto, biktima ng scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

Sinabi rin ni BB na ang kanyang kapatid na si Robin Padilla ang nag-udyok sa kanya na umuwi. “Si Robin naman sabi niya, ‘Sige, umuwi ka rito, dito ka na lang mag-birthday,’” pagbabahagi ni BB.

Naikwento rin niya ang ginawa niyang sorpresa para sa kanilang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Tito Boy, isang araw bago ang pag-uwi ni BB, napansin ng mga caregiver na tila may hinihintay si Mommy Eva habang nakatingin sa bintana. Sinabi ni BB na hindi na siya nagulat sa kuwento dahil kadalasan, kapag kausap niya sa telepono ang kanyang ina, tinatanong nito ang mga caregiver, “Sino siya?”

Dagdag pa niya, napakatapang ng kanilang ina na tumayong ama at ina sa kanilang magkakapatid

Si BB Gandanghari ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas, dating aktor, at proud transwoman. Siya ay ipinanganak bilang si Rustom Padilla, na naging sikat na aktor noong 1990s at bahagi ng kilalang Padilla showbiz clan. Isa siya sa mga magkakapatid nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at Royette Padilla.

Read also

Rufa Mae Quinto, nahirapan sagutin ang tanung ng anak na ‘When our family will be together?'

Matatandaang pinag-usapan ang komento niya sa post ni Kylie Padilla tungkol sa mga elepante.

Sa naunang ulat, "guilty" ang sagot niya nang matanong kung may nakarelasyong aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate