Rufa Mae Quinto, biktima ng scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

Rufa Mae Quinto, biktima ng scammers na gumagamit ng kanyang pangalan

  • Nagbabala si Rufa Mae Quinto laban sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan upang manghingi ng pera
  • Ibinahagi niya sa Instagram Stories ang pag-uusap ng scammer at ng taong kilala niya kung saan nagkunwari ang scammer na umiiyak
  • Kasalukuyang hinaharap ni Quinto ang 14 na kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code dahil sa koneksyon sa Dermacare, isang skincare company na sangkot sa umano’y investment scam
  • Nilinaw ng aktres na biktima rin siya dahil hindi pa siya nababayaran ng nasabing kumpanya para sa kanyang endorsement

Nagbabala ang aktres-komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa kanyang mga tagahanga tungkol sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan upang manloko ng tao at manghingi ng pera. Sa pamamagitan ng Instagram Stories noong Sabado, Enero 18, ibinahagi niya ang usapan ng scammer at ng taong kilala niya.

Rufa Mae Quinto, biktima ng scammers na gumagamit ng kanyang pangalan
Rufa Mae Quinto, biktima ng scammers na gumagamit ng kanyang pangalan (@rufamaequinto/Instagram)
Source: Instagram

Nagpakilala ang scammer bilang si Quinto at nagkunwaring umiiyak kaya hindi makasagot sa tawag. Sinubukan nitong manghiram ng pera gamit ang kalagayan ni Quinto bilang dahilan.

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

“Mga scammer, ‘wag na kayo sumabay sa panloloko using my name,” saad ni Quinto sa kanyang post. Idinagdag niya, “Wala po akong hinihingi kahit kanino. Be ware and aware, guys.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa isyu ng scammers, kasalukuyan ding hinaharap ni Quinto ang 14 na kaso ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code. Ang mga kasong ito ay kaugnay sa endorsement niya noon ng Dermacare, isang skincare company na nasangkot sa umano’y investment scam.

Dumating si Quinto sa Pilipinas mula sa Estados Unidos noong Enero 8 at boluntaryong sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI). Nakalabas siya ng NBI custody noong Enero 9 matapos magpiyansa ng P1.7 milyon.

Mariing itinanggi ni Quinto ang anumang pagkakasangkot sa nasabing scam. Ayon sa kanyang legal counsel, biktima rin umano ang aktres dahil hindi pa binabayaran ng skincare company ang kanyang endorsement fee.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Read also

43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate