Rufa Mae Quinto, nahirapan sagutin ang tanung ng anak na ‘When our family will be together?'

Rufa Mae Quinto, nahirapan sagutin ang tanung ng anak na ‘When our family will be together?'

  • Inamin ni Rufa Mae Quinto na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes
  • Sinabi niyang marami siyang pinagkakaabalahan kaya nagkukulang siya ng oras para sa kaniyang pamilya
  • Nabanggit niyang naapektuhan ang kanilang anak na si Athena na tinanong siya kung kailan magiging buo muli ang kanilang pamilya
  • Wala pa umanong naghahain ng diborsyo mula sa magkabilang panig, ngunit handa siyang igalang ang desisyon ng kaniyang asawa kung nanaisin nitong maghiwalay na sila

Inamin ni Rufa Mae Quinto na dumaraan sa pagsubok ang relasyon nila ng kaniyang asawang si Trevor Magallanes. Sa panayam sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, ikinuwento ng actress-comedienne ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pagsasama, kung saan sinabi niyang umaasa pa rin siyang maaayos ang kanilang problema.

Rufa Mae Quinto, nahirapan sagutin ang tanung ng anak na ‘When our family will be together?'
Rufa Mae Quinto, nahirapan sagutin ang tanung ng anak na ‘When our family will be together?' (GMA Network/YouTube, @rufamaequinto/Instagram)
Source: Youtube

Ayon kay Rufa, marami siyang pinagkakaabalahan kaya nagkukulang siya sa oras para sa kaniyang pamilya. “Pagod ako, lagi akong wala. Naiintindihan ko na hindi puwedeng puro ako lang ang tama. Siyempre, may side din siya,” ani ng aktres.

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

Ngunit kung nanaisin umano ni Trevor na maghiwalay na sila, sinabi ni Rufa na handa siyang igalang ang kaniyang desisyon. Sa ngayon, wala pa raw nagha-file ng diborsyo mula sa kanilang dalawa. “Hindi ako mag-file. Kasi ang dami ko nang file sa kaso. Ang daming file,” ani Rufa sa pabirong tono.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masakit din umano para kay Rufa ang makita ang kanilang anak na si Athena na naaapektuhan sa sitwasyon. Ikinuwento niyang minsan ay tinanong siya ng anak, “When our family will be together?” ngunit hindi niya umano alam kung paano ito sasagutin. “Wala eh, ang hirap sagutin, ‘di ba?” pahayag niya nang may halong lungkot.

Sa kabila ng lahat, inamin ni Rufa na mahal pa rin niya si Trevor at nais niyang mapanatili ang kanilang pamilya. Ngunit ipinaliwanag niyang hindi niya pipilitin ang kaniyang asawa kung iba na ang nararamdaman nito.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Read also

Rufa Mae Quinto, nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa pinagdadaanan nila ng asawa

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate