Jillian Ward, mas piniling magpokus sa trabaho kaysa sagutin ang isyu kay Sofia Pablo
- Mas piniling mag-focus ni Jillian Ward sa trabaho kaysa sagutin ang isyu nila ni Sofia Pablo tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan
- Sinabi ni Sofia Pablo na matagal na ang kanilang hindi pagkakaintindihan mula noong magkasama sila sa "Prima Donnas"
- Ipinaliwanag ni Jillian Ward na wala siyang oras para sa negatibong isyu at nais niyang magpatuloy sa kanyang mga ginagawa
- Masaya si Jillian Ward sa mga biyayang natatanggap niya at sa suporta ng mga tapat at mapagmahal na tao sa paligid niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mas piniling pagtuunan ng pansin ng Kapuso young actress na si Jillian Ward ang kanyang trabaho kaysa sagutin ang mga naging pahayag ni Sofia Pablo tungkol sa umano’y hindi nila pagkakaunawaan na nag-ugat pa noong magkasama sila sa teleseryeng Prima Donnas noong 2019.
Sa isang panayam ng GMA, sinabi ni Sofia na bagamat hindi sila magkaaway, hindi rin sila magkasundo. Aniya, sinabi raw niya ito noon upang maiwasan ang isyu sa pagitan nila ni Jillian. Inamin pa ni Sofia na matagal na raw ang kanilang hindi pagkakaunawaan at hindi nila ito naisaayos dahil hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap.
Idinagdag pa ni Sofia na nagulat siya noong bigla na lamang nawala ang kanilang pagiging malapit. Aniya, hindi niya inaasahan ang nangyari at biglang naputol ang kanilang komunikasyon nang walang anumang senyales o paliwanag.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa isang panayam sa 24 Oras, ipinaliwanag ni Jillian na abala siya sa maraming bagay sa kanyang buhay kaya’t wala siyang oras para sa anumang alitan. Ayon sa aktres, hindi niya nauunawaan kung saan nagmula ang sinasabing isyu sa pagitan nila ni Sofia.
Dagdag pa ni Jillian na mas nais niyang mag-focus sa kanyang trabaho at personal na buhay, kabilang na ang pagninilay tungkol sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Nanawagan din siya na magpakatapat ang bawat isa, hindi lamang sa iba kundi pati na rin sa sarili.
Sa kabila ng isyu, masaya si Jillian sa mga biyayang natatanggap niya. Ibinahagi niya na naliligiran siya ng mga mapagmahal at tapat na tao, kabilang ang kanyang My Ilonggo Girl leading man na si Michael Sager, na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para magpatuloy sa positibong pananaw.
Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.
Matatandaang naging usap-usapan ang pagbahagi ni Jillian Ward sa kanyang Istagram post ng kanyang unang sports car. Ito ay matapos ang mahigit tatlong buwan lamang mula nang ibahagi ni Jillian ang kanyang sariling BMW. Sa kanyang murang edad na 17, mayroon nang sariling Porsche sports car ang aktres.
Matapos ang pag-viral at paglabas ng balita kaugnay sa binahagi ni Jillian Ward na kanyang bagong sports car, naging usap-usapan din ang pahayag ni Xian Gaza. Nilabas naman ng kampo ng aktres ang kanyang accomplishments mula sa kanyang pagsisimula sa kanyang showbiz career sa edad na 5 taon at pagbili niya ng bahay sa edad na 7. Sa edad na 14 ay nagsimula na ng kanyang sariling negosyo si Jillian na WONDER TEA Philippines.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh