Tyang, pinaulanan ng gifts ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith habang nasa TikTok Live

Tyang, pinaulanan ng gifts ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith habang nasa TikTok Live

  • Pinaulanan ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith ng roses ang influencer na si Tyang habang nagla-live ito sa TikTok
  • Nagkomento si Rosmar na suportado ni Fyang si Tyang sa kabila ng mga natatanggap nitong pamba-bash mula sa netizens
  • Naalala ng publiko ang kontrobersiya kung saan binatikos si Tyang dahil umano sa panggagaya kay Fyang matapos itong pumasok sa RMansion ni Rosmar
  • Inihalintulad ng mga netizens ang RMansion sa PBB dahil sa eviction format at pagkakatulad ng tema nito sa nasabing reality show

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang TikTok live session ni Tyang matapos siyang suportahan at pinadalhan ng gifts, kabilang ang maraming rosas, ng PBB Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith. Ang makulay na tagpong ito ay nagdulot ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.

Tyang, pinaulanan ng gifts ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith habang nasa TikTok Live
Tyang, pinaulanan ng gifts ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith habang nasa TikTok Live (@tyang_official/TikTok &@fyangsmithh/Instagram)
Source: TikTok

Sa isang post, sinabi ni Rosmar, "Imagine? Si Fyang mismo nagsu-support kay Tyang tapos 'yung mga tao kung makahusga," bilang pagtatanggol kay Tyang laban sa mga kritiko.

Read also

Rochelle Barrameda, inilabas ang umano'y mga ebidensiya laban kay 'Lope Jimenez'

Matatandaang naging kontrobersyal si Tyang at ang iba pang influencers matapos silang pumasok sa RMansion house ni Rosmar. Marami ang nagsasabing ginagaya umano ni Tyang si Fyang Smith, lalo na’t may mga elemento ang RMansion na tila hinango sa PBB, tulad ng eviction system na kilala sa naturang reality show.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng mga batikos, tila naging simbolo ng pagkakaibigan at suporta ang kilos ni Fyang kay Tyang, na nagpakitang may puwang pa rin ang respeto at pagtutulungan sa kabila ng ingay ng social media.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.

Read also

Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma

Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate