Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma

Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma

  • Gaganap si Juliana Parizcova Segovia bilang "Ebony," ang make-up artist na kaibigan ni Pepsi Paloma, sa pelikulang TROPP
  • Nilinaw ni Darryl Yap na walang court order para tanggalin ang promo materials ng pelikula at naurong ang hearing sa Enero 17
  • Ipinaalam ng direktor na ipinatupad na ang gag order sa kaso upang maiwasan ang pagkalito ng publiko
  • Sinabi ni Yap na ito na ang kanyang huling pahayag tungkol sa kaso bilang pagsunod sa utos ng husgado

Kinumpirma ng direktor na si Darryl Yap na si Juliana Parizcova Segovia ang gaganap bilang "Ebony," ang make-up artist na kaibigan ni Pepsi Paloma, sa kontrobersyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma (TROPP2025). Sa social media, inilahad ni Yap ang karakter ni Juliana bilang bahagi ng kanyang promo para sa pelikula.

Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma
Juliana Parizcova Segovia, gaganap bilang makeup artist ni Pepsi Paloma (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Samantala, naglabas din ng pahayag si Darryl Yap kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya. Ayon sa direktor, wala pang court order para i-takedown ang mga promo materials ng pelikula at ang hearing ng kaso ay naurong sa Enero 17. Sinabi rin niya na ipinatupad na ang gag order sa lahat ng panig upang maiwasan ang pagkalito ng publiko ukol sa isyu.

Read also

Cristy kay Darryl Yap: "Ano ang motibo mo at sino ang producer mo?"

Ipinahayag ni Yap na ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa kaso bilang pagsunod sa utos ng husgado. Nagpasalamat siya sa kanyang abogado na si Atty. Fortun para sa gabay at suporta sa proseso ng paglilitis.

Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang mga kaganapan kaugnay ng pelikula at ng kasong may kaugnayan dito, na nagdulot ng malaking usapin sa industriya ng pelikula at sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

Darryl Yap, nagpadala raw ng script ng pelikulang TROPP kay Vic Sotto ayon sa kanyang abogado

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: