Tito Sotto, naglabas ng banat sa X kaugnay ng mga paninira sa kanilang pamilya

Tito Sotto, naglabas ng banat sa X kaugnay ng mga paninira sa kanilang pamilya

  • Nag-post si dating Senate President Tito Sotto sa X laban sa mga gumagastos umano para manira ng kapwa
  • Mariing itinanggi ni Sotto ang balitang "Pepsi Paloma script handed by intermediary to Vic Sotto’s ‘sibling who is a senator’"
  • Sinabi niyang walang katotohanan ang ulat at tila bahagi ito ng kampanya upang siraan ang kanilang pamilya
  • Pinasaringan niya ang mga ito na gumastos lang para makapanira para mabawasan naman ang yaman nila

Nag-trending ang post ni dating Senate President Tito Sotto sa X (dating Twitter) na tila patama sa mga nagpapakalat ng negatibong balita laban sa kanyang pamilya. Ayon sa kanyang post, “Sa mga gumagastos ng malaki para manira ng kapwa, ayos! Para mabawasan ang yaman ninyo!”

Tito Sotto, naglabas ng banat sa X kaugnay ng mga paninira sa kanilang pamilya
Tito Sotto, naglabas ng banat sa X kaugnay ng mga paninira sa kanilang pamilya (@helenstito/Instagram)
Source: Instagram

Ang nasabing pahayag ay kaugnay ng lumabas na balitang "Pepsi Paloma script handed by intermediary to Vic Sotto’s ‘sibling who is a senator,’" na mariing pinabulaanan ni Tito Sotto. Ayon sa kanya, walang katotohanan ang akusasyong ito at walang basehan ang naturang ulat.

Read also

Cristy kay Darryl Yap: "Ano ang motibo mo at sino ang producer mo?"

Nanindigan si Sotto na tila bahagi ito ng mas malawak na kampanya upang siraan ang kanilang pamilya. Sa kabila ng kontrobersiya, pinasaringan niya ang mga ito na gumastos lang para makapanira para mabawasan naman ang yaman nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging target ng mga isyu ang Sotto family, ngunit sa kabila nito, nananatili silang matatag at naninindigan laban sa mga maling paratang.

Si Tito Sotto, o Vicente "Tito" C. Sotto III, ay isang kilalang personalidad sa politika, telebisyon, at pelikula sa Pilipinas. Siya ay isang dating Senate President at naging miyembro ng Senado ng Pilipinas mula 1992 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2019. Siya rin ang naging Senate Majority Leader sa ilang pagkakataon.

Sa naunang ulat, sinabi ni Tito Sen na niloloko ng TAPE, Inc ang tao sa pagpipilit nilang sila ang Eat Bulaga. Sa YouTube video ng Models of Manila FM YouTube channel, sinabi ni Tito Sen na pwede naman daw nilang ituloy ang programa pero dapat daw ay palitan nila ang pangalan nila.

Matatandaang nagsampa na ng injunction ang kampo ng TVJ sa RTC Marikina ayon kay Atty. Buko. Sa panayam na binahagi ng Abante News, sinabi ni Atty. Buko na hinihintay na lamang nila na lumabas ito para magamit na nila sa January ang Eat Bulaga sa TV5.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate