Kampo ni Darryl Yap, humiling ng gag order sa korte laban kay Vic Sotto

Kampo ni Darryl Yap, humiling ng gag order sa korte laban kay Vic Sotto

  • Humiling ng gag order ang kampo ni Darryl Yap upang pigilan ang panig ni Vic Sotto na maglabas ng impormasyon tungkol sa pelikulang "TROPP"
  • Ayon kay Atty. Raymond Fortun, ang layunin ng mosyon ay mapanatili ang artistic license ng pelikula at maiwasan ang irreparable damage bago ito maipalabas
  • Inihain ni Yap ang petisyon sa Muntinlupa RTC Branch 205 kasunod ng writ of habeas data na inihain ng kampo ni Sotto para alisin ang mga promotional materials ng pelikula
  • Naghain si Sotto ng 19 na kaso ng cyber libel laban kay Yap at humihingi ng 35 milyong piso bilang danyos

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Humiling ng gag order ang kampo ni Direk Darryl Yap sa korte upang pigilan ang panig ni Vic Sotto sa pagbibigay ng mga detalye kaugnay ng pelikula nitong "TROPP."

Kampo ni Darryl Yap, humiling ng gag order sa korte laban kay Vic Sotto
Kampo ni Darryl Yap, humiling ng gag order sa korte laban kay Vic Sotto (Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa abogado ni Yap na si Atty. Raymond Fortun, kailangan ito dahil hindi pa naipalalabas ang pelikula. "Any disclosure of the verified return would not only violate the Respondent’s freedom of expression, but it shall also cause grave and irreparable damage to the Respondent’s artistic license and outcome of the film," ayon sa kanilang mosyon.

Read also

Darryl Yap, nagpadala raw ng script ng pelikulang TROPP kay Vic Sotto ayon sa kanyang abogado

Isinumite na ng kampo ni Yap ang petisyon sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205. Kapag naaprubahan, pananatilihin sa “mahigpit na kumpidensyalidad” ang mga detalye ng sagot ni Yap, alinsunod sa subjudice rule.

Ang petisyon ni Yap ay tugon sa writ of habeas data na inihain ng kampo ni Sotto noong Lunes. Humihiling ang writ na alisin ang lahat ng promotional materials ng pelikula, kabilang ang kontrobersyal na 26-segundong teaser.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Fortun, “Writ was issued (but) no stop order.” Ipinaliwanag niya na inatasan lamang ng Muntinlupa RTC Branch 205 si Yap na magsumite ng verified return sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap nito. "The order is clear enough on what is to be done and cannot be done. If there was a restraining order issued, it would have been explicitly stated," aniya.

Samantala, naghain si Sotto ng 19 kaso ng cyber libel laban kay Yap noong Enero 9 at humihingi ng 35 milyong piso bilang danyos. Nakatakdang dinggin ang petisyon sa Enero 15.

Read also

Tito Sotto, may makahulugang post tungkol sa 'old showbiz gimmick'

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: