Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo

Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo

  • Ibinahagi ni Charo Santos ang behind-the-scenes (BTS) na video mula sa eksena sa Batang Quiapo
  • Nagbiro si Charo sa kanyang video na "Ang hirap maging lola ng bida 😅"
  • Kasama ni Charo sa eksena si Cherry Pie Picache bilang Marites, nakikipaglaban sila laban sa mga tauhan ni Olga
  • Kamakailan lang, nagpaalam sa serye ang karakter ni Olga na ginampanan ni Irma Adlawan

Kinaaliwan ng mga netizens ang behind-the-scenes (BTS) na video na ibinahagi ni Charo Santos mula sa kanyang eksena sa sikat na seryeng Batang Quiapo. Sa kanyang Instagram post, nagbiro ang batikang aktres, "Ang hirap maging lola ng bida 😅," na agad namang umani ng maraming reaksyon mula sa mga tagasubaybay ng serye.

Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo
Charo Santos, kinaaliwan sa kanyang binahaging BTS ng eksena nya sa Batang Quiapo (@charosantos/Instagram)
Source: Instagram

Sa naturang video, ipinakita ni Charo ang eksena nila ni Cherry Pie Picache, na gumaganap bilang Marites, kung saan napasabak sila sa matinding laban laban sa mga tauhan ni Olga, ang karakter ni Irma Adlawan. Sa caption ng video, isinulat niya rin ang, "POV: Nagpa-check up ka lang, napalaban ka pa sa kampon ni Olga," na lalong nagbigay aliw sa mga manonood.

Read also

Vic Sotto, walang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula ni Darryl Yap

Makikita sa eksenang puno ng aksyon ang dedikasyon nina Charo at Cherry Pie sa kanilang mga papel. Marami ang humanga sa kanilang kahusayan at pagiging handa sa mga pisikal na hamon ng kanilang mga karakter.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, kamakailan ay nagpaalam na sa serye ang karakter ni Olga matapos ang isang emosyonal na kuwento, na nagbigay ng bagong direksyon sa istorya ng Batang Quiapo.

Si María Rosario Santos Concio o mas kilala sa kanyang screen name na Charo Santos-Concio or ay isang media executive at Pinay actress. Siya ang host ng pinakamatagal na television drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya.

Matatandaang naghayag ng kanyang saloobin ang award-winning news anchor na si Mel Tianco sa pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya o MMK. Sa isang social media post, naihayag ni Mel na sana ay hindi umano totoo ang report dahil aniya ay walang makakapalit sa MMK. Naihayag ni Charo kamakailan ang tungkol sa pagtatapos ng MMK. Ani Mel, namumukod-tangi ang MMK pagdating sa pagbabahagi ng kwento.

Read also

Vic Sotto, umaksyon laban kay Darryl Yap dahil nabu-bully na raw si Tali sa eskwelahan

Pinasalamatan naman ni Charo ang lahat ng mga nakaka-appreciate sa kanilang ginagawa sa MMK sa mahigit tatlong dekada. Sa isang post ay taos pusong nagpasalamat ang host sa mga magagandang komentong natatanggap niya. Bumuhos ang magagandang komento at paghayag ng kanilang kalungkutan na magtatapos na ang MMK. Maging ang mga artistang naging bahagi ng naturang programa ay naghayag ng kanilang pasasalamat at panghihinayang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate