Rufa Mae Quinto, nag-post ng maiksing mensahe kasunod ng kanyang paglaya

Rufa Mae Quinto, nag-post ng maiksing mensahe kasunod ng kanyang paglaya

  • Nagpasalamat si Rufa Mae Quinto sa kanyang mga tagasuporta matapos makapagpiyansa at muling makalaya
  • Nag-post siya ng mensaheng nagpapahayag ng pasasalamat sa pamilya, kaibigan, at mga tagahanga
  • Bumuhos ang suporta ng netizens na nagpaabot ng panalangin at paghanga sa kanyang katatagan
  • Nanatiling positibo si Rufa Mae sa kabila ng mga hamon at patuloy na umaasa sa tamang resolusyon sa kanyang sitwasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbahagi ng maiksing mensahe ang aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa social media matapos siyang makapagpiyansa at muling makalaya. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang mga sumuporta sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

Rufa Mae Quinto, nag-post ng maiksing mensahe kasunod ng kanyang paglaya
Rufa Mae Quinto, nag-post ng maiksing mensahe kasunod ng kanyang paglaya (@rufamaequinto)
Source: Instagram

“Thanks for keeping me go go going mga Fress, Family, Friends, Fans. Help help hooray 🎉,” saad ni Rufa Mae, na kilala sa kanyang positibong pananaw at signature humor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bumuhos naman ang suporta mula sa netizens, na nagpaabot ng kanilang pagmamahal at panalangin para sa aktres.

“Surrendering yourself means your willingness to cooperate. Praying for right resolutions and you'll get through these challenges so that you could go go go to the highest level in your life. Take care, PChi,” komento ng isang netizen.

Read also

Rufa Mae Quinto, emosyonal nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga taga suporta

“Fight lang Rufa Mae... You're one strong woman!” ani pa ng isa.

Isa pang tagahanga ang naghayag ng tiwala sa kakayahan ng aktres na malampasan ang mga pagsubok. “I love you always Ms. Rufa Mae Quinto Magallanes. I believe you will go through this. Kaya mo yan. May God bless and protect you always!”

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Read also

Rufa Mae Quinto, biktima ng false cccusations yyon sa kanyang legal counsel

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate