Sanya Lopez, nagshare ng cryptic post sa kanyang IG story

Sanya Lopez, nagshare ng cryptic post sa kanyang IG story

  • Nag-post si Sanya Lopez ng cryptic message sa kanyang Instagram na umani ng espekulasyon mula sa mga fans
  • May tanong ang netizens kung nagpaparinig ba ang aktres at kung may kaugnayan ito sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto
  • Napansin din ng fans ang bagong maikling hairstyle ni Sanya na nagpasimula ng mga biro tungkol sa mga babae matapos makipaghiwalay
  • Nagtapos na ang taping ng teleserye nina Sanya at Barbie, ngunit patuloy ang tambalan nina Sanya at David Licauco sa darating na mga pelikula

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Lumikha ng ingay ang cryptic post ng Kapuso actress na si Sanya Lopez matapos itong magbahagi ng tila makahulugang mensahe sa kanyang IG Story. Ang naturang post ay may linya mula sa Somelinessss na nagsasabing:

Sanya Lopez, nagshare ng cryptic post sa kanyang IG story
Sanya Lopez, nagshare ng cryptic post sa kanyang IG story (@sanyalopez/Instagram)
Source: Instagram

"God removes people from your life because He heard the conversation that you didn’t hear."

Dahil dito, umugong ang tanong ng netizens kung nagpaparinig ba ang aktres. Ang ilan sa kanyang fans ay curious kung ano ang ibig sabihin ng naturang post at kung may kaugnayan ito sa isyu ng mag-ex na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, na kapatid ni Sanya.

Read also

Keempee de Leon, nagsalita na tungkol sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Ayon sa ilang komento, tila pinalala pa raw ng post ni Sanya ang sitwasyon sa pagitan nina Barbie at Jak, lalo na’t mainit pa rin ang usapin tungkol sa kanilang hiwalayan. Ngunit para sa iba, maaaring nagkataon lamang na ang cryptic post ni Sanya ay naiuugnay sa isyu, lalo na’t anumang i-post niya, maging ni Barbie o ng kanilang pamilya, ay binibigyan ng ibang kahulugan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maging ang post ng ina ni Barbie na may linyang, “Give me what no other has ever gotten, and I’ll give you what those others tried to get,” ay napag-uusapan din. Kahit ang simpleng caption ni David Licauco na “Chill lang” ay napagbibintangan ng mga netizens na konektado sa kontrobersiya.

Sa kabila nito, mukhang walang intensyon si Sanya na mang-shade o magparinig. Mabuti na lang at tapos na ang taping ng kanilang teleseryeng “Pulang Araw” upang maiwasan ang posibleng pagkailang sa pagitan nina Barbie at Sanya. Samantala, magpapatuloy pa rin ang tambalan nina Sanya at David sa dalawang upcoming films nila.

Read also

Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino

Si Sanya Lopez ay isang Filipina actress, model, at singer na kilala sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula sa ilalim ng GMA Network. Una siyang nakilala bilang isa sa mga bida sa remake ng teleseryeng Encantadia noong 2016, kung saan ginampanan niya ang papel ni Danaya, ang diwata ng lupa.

Sa isang panayam kay Tito Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ni Sanya Lopez ang kanyang tapat na opinyon tungkol sa kanilang love scene ng kanyang co-star sa Pulang Araw na si Alden Richards.

Ibinahagi ni Sanya ang kanyang hinagpis sa pagpanaw ng kanyang minamahal na alagang aso na si Danaya sa isang nakakadurog-pusong post sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: