Dominic Roque, usap-usapan ang kanyang 'one letter' post

Dominic Roque, usap-usapan ang kanyang 'one letter' post

  • Usap-usapan ngayon ang 'one-letter post' ng aktor na si Dominic Roque
  • Marami ang naintriga sa post na ito maging ang internet personality na si 'Senyora'
  • Matatandaang bago matapos ang taong 2024, kinumpirma ni Dominic na 'dating' na sila ni Sue
  • Unang nag-viral ang video at photo ng dalawa na kuha sa isang bar sa Siargao dahilan para umugong ang bali-balita noon ukol sa estado ng kanilang relasyon

Tila naintriga ang marami nang makita ang post ni Dominic Roque sa kanyang socmed.

Dominic Roque, usap-usapan ang kanyang 'one letter' post
Dominic Roque, usap-usapan ang kanyang 'one letter' post (Dominic Roque)
Source: Facebook

Makikitang letrang "S" lamang ito at walang ibang salita na kasama.

Dahil dito, samu't sari ang naging reaksyon ng netizens maging ang internet personality na si Senyora ay nagpahayag ng kanyang komento.

Matatandaang hayagang nasasabi ni "Senyora" ang kanya umanong nararamdaman kay Dominic Roque.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Senyora masasaktan kapa din sa 2025"
"Aasa ka na naman senyora"
"Senyora ikaw na talaga 'to"
"Senyora, hanap ka"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read also

Darryl Yap, may pahayag matapos ang reklamo ni Vic Sotto: "Pepsi— babalik tayo sa korte"

Naging kontrobersyal ang opening ng February 6 episode ng programang Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang taon. Ito ay matapos na maibahagi ni Boy ang umano'y hiwalayan nina Bea at Dominic. Matatandaang si Ogie Diaz ang unang nakapagbahagi ng nasabing ulat na sinegundahan naman ni Boy Abunda.

Kung tama umano ang kanyang source, isinauli na raw ni Bea ang engagement ring nila ni Dominic. Hulyo ng nakaraang taong nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea. At inasahan na ng publiko na magaganap ang kasal.

Ilang araw matapos ito naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica