Vic Sotto, magsasampa ng reklamo laban kay Darryl Yap kaugnay ng kontrobersyal na pelikula
- Magsasampa ng reklamo si Vic Sotto laban kay Darryl Yap kaugnay ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" sa Muntinlupa City Regional Trial Court sa Enero 9
- Nabanggit ang pangalan ni Vic Sotto sa kontrobersyal na teaser ng pelikula kung saan sinasabing nagsampa ng kaso si Pepsi Paloma laban sa kanya noong 1982
- Sinabi ni Darryl Yap na hindi siya sigurado kung magso-sorry kay Vic Sotto at idiniin na ang kanyang pelikula ay layuning magkwento ng katotohanan
- Wala pang opisyal na tugon ang kampo ni Yap sa reklamo ngunit ibinahagi niya ang balita sa kanyang Facebook account
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Magsasampa ng reklamo ang "Eat Bulaga" host-comedian na si Vic Sotto laban sa direktor na si Darryl Yap kaugnay ng pelikula nito tungkol umano kay Pepsi Paloma. Ayon sa ulat ng News 5, ihahain ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court bukas, Huwebes, Enero 9, base sa pahayag ng legal counsel ni Sotto.
Ang kontrobersya ay nag-ugat sa pagbanggit sa pangalan ni Vic Sotto sa teaser ng pelikula, kung saan makikita ang eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante bilang Charito Solis at Pepsi Paloma.
Kasunod nito, isang pahayag ang nilabas ng director. Bagamat dalawampu’t anim na segundo lamang ang itinagal ng teaser, agad itong nag-trending online, lalo na ang mga pangalan ni Vic Sotto at Pepsi Paloma.
Sa kabila nito, sinabi ni Darryl Yap sa kaniyang Facebook post noong Enero 6 na hindi siya sigurado kung magso-sorry kay Sotto. Aniya, "The truth, after all, is unapologetic. My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa niya, "As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface."
Samantala, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang kampo ni Yap ukol sa reklamo ni Sotto, ngunit ibinahagi ng direktor sa kaniyang Facebook account ang balita patungkol dito.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”
Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh