Rufa Mae Quinto, sumuko sa NBI kaugnay ng kaso hinggil sa Securities Regulation Code
- Kusang loob na sumuko si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation kaugnay ng kasong kinakaharap niya
- Dumating siya sa NAIA Terminal 1 mula sa San Francisco, California kasama ang kanyang pamilya at agad na dinala sa NBI
- Ang kanyang abogado ay nagsabing haharap si Quinto sa 14 na kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code ngunit iginiit na siya ay isang endorser lamang
- Naglabas ang SEC ng babala laban sa Dermacare at binanggit na maaaring kasuhan ang mga promoters at endorsers ng naturang kumpanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kusang loob na sumuko ngayong Miyerkules ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kasong kinakaharap niya matapos magpalabas ng arrest warrant ang isang korte sa Pasay.
Ayon sa ulat ng Balitanghali, dumating si Quinto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 alas-5 ng umaga mula sa San Francisco, California sakay ng Philippine Airlines kasama ang kanyang pamilya.
Kinumpirma ni NAIA-NBI Chief Jimmy De Leon na nakipag-ugnayan ang abogado ni Quinto sa NBI para sa kanyang boluntaryong pagsuko. Sumailalim muna si Quinto sa isang medico-legal examination bago dalhin sa Pasay court.
Ang komedyante ay may kinakaharap na kaso kaugnay ng isyu ng Dermacare, ang parehong kumpanyang nasangkot sa pagkakaaresto ng aktres-entrepreneur na si Neri Naig.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Atty. Mary Louise Reyes, abogado ni Quinto, kinasuhan ang kanyang kliyente ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code. Ang nasabing batas ay nagbabawal sa pagbebenta ng securities tulad ng shares at investments nang walang rehistradong pahintulot mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Gayunpaman, nilinaw ni Reyes na hindi kabilang si Quinto sa kasong large-scale estafa. "She will face those charges... mag-voluntary surrender siya and magpo-post po kami ng bail for that. She's worried kasi hindi naman totoo 'yung allegations kasi my client po is just a brand ambassador, a model-endorser," ani Reyes.
Dagdag pa ng abogado, "Ni hindi sa kanya nakapagbayad ng downpayment, tapos 'yung mga tseke po puro tumalbog. Lahat po 'yan hawak naman po namin 'yung ebidensya, ipe-present naming sa court."
Noong Setyembre 2023, nagpalabas ng advisory ang SEC laban sa Dermacare-Beyond Skin Care Solutions. Ayon sa ahensya, hindi awtorisado ang kumpanyang ito na mangalap ng investments dahil wala itong rehistro at lisensya upang magbenta ng securities.
Dagdag pa rito, binalaan ng SEC na maaaring kasuhan ang mga salesmen, brokers, dealers, agents, promoters, influencers, at endorsers ng Dermacare.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh