Pelikula ni Darryl Yap, tinanggihan ni Boss Vic Del Rosario

Pelikula ni Darryl Yap, tinanggihan ni Boss Vic Del Rosario

  • Kinumpirma ni Cristy Fermin na personal siyang kinausap ni Darryl Yap tungkol sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”
  • Sinabi ni Fermin na tinanggihan ng Viva Films ang pelikula dahil sa malalim na relasyon nito sa Tito, Vic, and Joey
  • Ayon kay Yap, wala umanong koneksyon ang pelikula sa alitan ng TVJ at ng pamilya Jalosjos o sa politika ni Pasig Mayor Vico Sotto
  • Nanindigan si Yap na ang pelikula ay para sa kanyang kababayan at bukas siya sa suporta para sa proyekto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng veteran radio-TV host na si Cristy Fermin na personal siyang kinausap ni Darryl Yap tungkol sa plano nitong gawing pelikula ang kontrobersyal na buhay ni Pepsi Paloma.

Pelikula ni Darryl Yap, tinanggihan ni Boss Vic Del Rosario
Pelikula ni Darryl Yap, tinanggihan ni Boss Vic Del Rosario (Darryl Yap | Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Nanay Cristy, humingi ng opinyon at payo si Direk Darryl ukol sa “The Rapists of Pepsi Paloma,” partikular na ang posibleng dahilan kung bakit tinanggihan umano ng Viva Films ang pelikula.

Sa episode ng “Showbiz Now Na” noong Enero 5, sinabi ni Cristy Fermin na tapat niyang sinabi kay Yap na ang malalim na ugnayan ni Vic del Rosario ng Viva at ng Tito, Vic, and Joey (TVJ) ang posibleng dahilan ng pagtanggi.

Read also

Vic Sotto, magsasampa ng reklamo laban kay Darryl Yap kaugnay ng kontrobersyal na pelikula

Dagdag pa ni Cristy, hindi magagawa ni Boss Vic na suportahan ang pelikula na maaaring makasira sa pangalan ng TVJ, lalo na’t sila ang nag-ugat ng tagumpay ng Tito, Vic, and Joey sa musika sa ilalim ng Vicor Music.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, itinanggi ni Yap sa isang Facebook post na ang pelikula ay may kinalaman sa alitan ng pamilya Jalosjos at TVJ, o sa politika ng Pasig City kung saan si Mayor Vico Sotto ang namumuno.

Ayon kay Yap, ang pelikula ay alay sa kanyang kababayan at hindi politikal. Bukas din umano siya sa suporta ng kahit sino, basta’t ito’y para sa kanyang pelikula.

Bagamat puno ng kontrobersiya, nananatili ang interes ng publiko sa “The Rapists of Pepsi Paloma,” na nagpapakita ng mga kwentong humubog sa kasaysayan ng showbiz sa bansa.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Read also

Keempee de Leon, nagsalita na tungkol sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate